Chapter 2

15.8K 262 2
                                    

CHAPTER 2

SHE was in second Year college sa isang kilalang paaralan ng Iloilo, taking a Bachelor of Science in Office Administration. While her bestfriend Enrique Montero was in fourth year. Archeticture naman ang course nito. Kasama ni Rebecca ang dalawang kaibigang sina Naiza at Analyn. Papunta silang tatlo sa library para mag study para sa exam nila sa last subject nila mamaya na Stenography. Nakasalubong nila si Enrique na papalapit naman sa kanila.

"Ricay," siko sa kanya ng kaibigang si Analyn. Ricay, naman ang palayaw ng kanyang dalawang kaibigan sa kanya.

"Oh bakit? " Baling niya sa kaibigang nakakunot ang noo.

"Oh, ayan na si Bestfriend mo, oh. Gosh, super gwapo talaga niya Ricay." Kinikilig na sambit ng kaibigan habang kinukurot siya nito sa kanyang braso.

"Ouch! Grabe ka naman kung kiligin Nals, mas masakit ka pang mangurot kaysa sa alimango," saad niya dito na natawa naman sila pareho habang hinihimas ang medyo namula niyang brasong kinurot ng kaibigan.

"Becky," sambit agad ni Enrique nang malapitan ang dalagita kasama ang mga kaibigan nitong sina Analyn at Naiza. Di lingid sa kaalaman ni Enrique na may gusto ang kaibigan ng kanyang bestfriend sa kanya. Ngunit di niya ito binibigyan ng pansin at baka umasa pa itong ligawan niya.

"Oh, Ric, what's up? Naligaw ka yata dito? Ano ba ang atin at napasugod ka?" Tanong agad ni Rebecca sa kaibigan habang hinihimas ang masakit pang braso dahil kinurot ng kaibigang si Analyn.

"Ah, kasi gusto ko sanang--" Naputol ang sasabihin nito ng mapansin ang hinihimas niyang namumula na braso." Napa-ano yang braso mo? Bakit namumula?"

"Paano kasi, iyang si Analyn nakakita lang ng gwapo eh, umandar na ang pagka-alimango." Agaw na sagot ni Naiza na natatawa.

Namula naman ang mukha ni Analyn dahil sa pambubuking ng kaibigang si NaiZa. Siniko niya ito at binulungan. Napangiti na lamang si Rebecca sa mga ito.

"Wala to, di naman siya masakit at mawawala din to maya-maya." Sagot ng dalagita sa kaibigan si Enrique. "Ba't ka nga pala napasugod at mula sa new site, napalipad ka dito sa main building? Ano ba ang atin?" muling tanong na lamang nya sa kaibigan.

"Mamaya na kasi yong Battle of The Band," sagot ni Enrique sa kanya. "Manunuod ka ba? Di ba nakapag paalam ka naman kay tita Susan?" Sunod sunod na tanong nito.

"Sige na Ricay, nood tayo." Sabay na sagot ng dalawang kaibigang sina Analyn at Naiza.

"Sige na nga, tatawagan ko lang si tita para iconfirm na gagabihin tayo. May tiwala naman si tita sayo di ba?" Nakangiting sagot ng dalagita. Kilig na kilig na naman ang dalawang kaibigan niya at makakasama na naman nila ang The Boyz na sikat na banda ng school na pinapasukan nila.

"Okay, thanks Becky. Susunduin kita mamaya dito ha? After ng Class mo sa last subject, mamayang hapon. Tamang tama, at 6:00pm mag sa-start yong battle," muling saad ni Enrique.

"No, Ric," agaw niya sa sinabi ng binata. Kami na ang pupunta sa new site mamaya. Para makapag practice pa kayo ng ka banda mo."

"Oo nga naman Enrique." Sagot naman nina Analyn at Naiza.

"Sige, see you then." Paalam na lamang ng binatilyo sa kanila.

"Sige. Goodluck Bestfriend!" Sagot naman ng dalagita na ningitian ni Enrique bago tumalikod at umalis para bumalik sa new site building.

"...and the winner is..."

Halos hindi na makahinga si Rebecca, dahil sa sobrang bagal na banggitin ng emcee kung anong banda ang mananalo. Ang The Boyz na banda na lamang ang natira at ang kalabang outsider na naghihintay kung alin sa dalawa banda ang mananalo.

Now I Found You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon