Chapter 10

8.1K 160 4
                                    

NOTE:

Gustong gusto  ko pong i-edit ito, pero hindi ko kinaya, GADDDD....Parang nagsusulat lang ako ng panibagong kwento.

Ang hirap po mag edit. Ang daming oras nasasayang. Kaya, sumuko din  po ako. Hahahaha.

Hindi ko na po tinapos sa pag-edit kaya sorry po.

Intindihin niyo na lang po. Kasi ito ang kauna-unang kwentong sinulat ko back in 2011 po.

At aminado akong sobrang inosenti ko po talaga hahahaha. Kaya unawain nyo na lang po ang pinagsusulat ng inosenting bata na gaya ko.

Maraming salamat po. Hahahaha

———-

Chapter 10

Mahigit tatlong buwan na ang nakalipas na si Enrique ang namamahala sa kumpanya ng pamilya. Sa tulong na rin ng Uncle David niya, maayos naman ang pagpapatakbo nito ng kanilang kumpanya. Ganado siyang gampanan lahat dahil kay Rebecca.

Morning sissy,

Bati ni Michelle sa kaibigang si Rebecca.

Morning,

Nakangiti namang sagot niya dito.

Wala pa ba si Karen?

Tanong nito sa kanya.

Wala pa. Im sure, late nanaman dahil lasing yun kagabi. Paano kasi, ang hilig nitong gumimik.

Sagot niya dito.

Sige, balik na ako sa cubicle ko ha?

Paalam ng kanyang kaibigan.

Sige,

Nakangiti naman niyang sagot dito.

Ang bilis nga ng panahon. Parang kailan lang, nag iiwasan pa sila ni Enrique. Pero ngayon, bumalik na sila sa dati. Kasa-kasama niya rin ito kung saan pupunta. Sinasamahan din siyang mag groceries. Nagsisimba, namamasyal. In short, close na ulit sila tulad ng dati.

Nang maputol ang kanyang pag mumuni-muni sa pagtawag sa kanya ng kanyang kaopisina.

Rebecca?

Tawag ni Jonalyn sa dalaga.

Yes, Bakit?

Sagot niya dito.

Pwede paki bigay to kay Karen?

Pinabili niya yan sakin nuong isang araw, baka kasi makalimutan ko nanaman.

Saad ni Jonalyn sabay abot ng supot sa kanya At tumalikod.

Teka, ano to?

Pahabol ng dalaga sa ka office mate na si Jonalyn.

Asukal.

Basta pakibigay nalang.

Sagot nitong natatawa.

Subsub ang ulo ni Rebecca sa kanyang ginagawang report ng may isang babaeng nagsalita sa harap ng cubicle nya.

Isang maganda at napaka seksing babae na halos litaw na ang dibdib sa suot nito.

Andyan ba si Enrique?

Tanong nito sa kanya.

Napataas ng tingin ang dalaga sa besitang babae na hinahanap ang kanyang boss.

Sino kayang bruhilda to?

Aba, akala mo kung sino kung magsalita. Ni hindi man lang nag excuse para magtanong kung nasaan ang kanyang boss. Maganda nga sana, pero parang walang ka delikadesa.

Now I Found You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon