SIMULA
"Are you Lance White?"
Natigil ako sa paglapit kay Tatay ng makita kong may dalawang mukhang high school students na kumakausap sa kanya. Parang papatay yung isang lalaki habang panay ang salita nung isa. May atraso ba ang Tatay sa kanila?
Nagulat na lang ako ng biglang sapakin nung isa ang mukha ni Tatay! Oh my God! May iilan pang sinabi yung halimaw bago tuluyang umalis. Napatakbo agad ako palapit sa kanya at dinaluhan.
"Are you okay Tay?" at pinunasan ko gamit ng panyo ang dugo mula sa pumutok niyang labi. "Mga bastardo! Sino ang mga yun?! I'll sue them!"
"No. Don't worry.. Alam mo naman ang mga batang mayayaman," nakangiti niyang paliwanag at tumayo.
"E'di mas lalong dapat bigyan ng atensiyon!"
May humintong taxi sa harap namin at patakbong lumapit ang 'Witch Bala'. Hinawakan niya ang pumutok na labi ni Dad at tumingin sa akin bago kay Tatay kaya umalis na ako, ngunit di pa ko nakakalayo ay narinig ko na agad ang binulong niya.
"Pumunta daw si Nathan dito?"
Humarap ako sa kanila at tumawa. "Oh my! Anak mo pala ang mga yun?! Kala ko ikaw lang ang ganyan.. Pati pala mga anak mo"
"Marzia!" saway ni Dad.
"I'm sorry Zia. This will not happen again," malumanay na sabi ng Witch.
"Whatever."
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay sinearch ko agad ang pangalan ng gago na yun. Nathan.. Ano nga bang apelyido ng Witch na yun?
Ah! Za-ba-la.
They're famous kaya madaling mahanap ang pamilya nila online. You son of a witch! You'll pay! Nakita ko ang picture niya sa isang website but it states Yuki.. so may codename pa siya ganun?
"Tay," tawag ko kay Tatay na nakikipag-usap sa Witch.
"Yes Marzia?"
"I wanna study at Athens University."
Nakita ko ang gulat sa mukha ng Witch kaya napangiti ako.
"Sabi ng classmate ko nung elementary ay maganda daw dun kaysa sa St. Miriam."
Tumango ang Tatay. "Okay, just study well."
Nagulat ako sa pagpayag niya kaya lumapit ako sa kanya para mahagkan siya.
"Thanks Tay!"
Ngumiti ako at tumingin kay Witch. Your son will pay a big debt. Hindi dapat nila ginawa kay Tatay iyon. If they want revenge, dapat ay sayo kaya ngayon ako naman ang maghihiganti.
Hinahanap na agad ng mata ko ang Zabala na yun pagkapasok ko pa lang ng gate. Nahihirapan ako dahil ang daming estudyante. Nasa corridor na ako at napagpasiyahang pumasok muna sa klase ng mahagip ng mata ko ang isang lalaki.
Bingo!
Though, nagpagupit na 'ata siya ay namumukhaan ko pa din naman. How dare you. Napansin ko ang babaeng kinikilig sa gilid ko.
"Are you alright?" irita kong tanong.
"Ang gwapo talaga ng mga Zabala!"
Napatingin ako sa direksiyong pinagmamasdan niya at nanliit ang mata ko. Hindi madadaan ng gwapo nila ang kasalanan nila sa akin.
Natapos ang araw na ito na ang mga Zabala lang ang iniisip ko. Inaya ako ng Tea club na sumali sa kanila pero mas gusto ko sa Artist Guild.
"Ang ganda ng mga drawing mo! Anong balak mong kunin sa college?" tanong ni Tammy na sekretarya ng club.
"Ha? Pangarap kong gumawa ng manhwa, korean manga. Kasi yung idol ko! Si Hwang Mi-Ri, sobrang galing niyang gumawa ng plot! Gusto kong maging ganun, pero pwede ding mag-architecture ako."
"Wow. Ako si Han Yu-Rang," sabi ni Winnie.
"Ay.. Di masyado appealing mga stories niya for me.." at nginitian ko siya.
Tinitignan nila ang mga gawa kong one-shot manga nang may pumasok na dalawang lalaki sa clubroom.
"Richard! Drekke!"
Lumingon ako at nakita ang tamad na tingin sa akin nung spiky ang buhok, lumipat ang tingin niya kay Tammy.
"Ah. Bagong member!" masaya niyang tugon.
Sinilip nitong semi-shintaro ang portfolio ko at tumango. "Nice. Drekke, tignan mo."
Lumapit yung spiky na si Drekke at sinilip din ang mga gawa ko. Tumango din siya pero nanatili ang pagkaseryoso sa mukha niya.
"Pagawa niyo yung para sa editorial ng gazette para sa month na 'to," utos niya sabay labas.
Ngumiti ako at tinago ang portfolio. "Ang sungit naman."
"Ganun tala-"
Naputol ang pagsasalita ni Richard ng may biglang pumasok.
"Chardmander! May practice tayo!"
Nagulat ako ng pumasok ang Zabala dito at ang pagtitig niya sa akin.
"Hi!" nakangiti niyang bati.
Umalis sila pagkatapos nun at sinabi na ng lahat na type ako ng lalaking yun. Wala kong pake, basta ang alam ko ay maghihiganti ako.
BINABASA MO ANG
Sa'yo Ako
General FictionMarzia White loves her father so much that she can endure being with her new mother. She very well know na may mali sa relasiyon ng Tatay pero kaya niyang magtiis makita lang masaya muli ang kanyang ama. She can do anything for her father. ...