C#1
Sipnayan ngayon kaya medyo busy kami sa pag-aayos ng stage. Natuwa sila sa stage design ko na vintage mystery, tipong mga Sherlock Holmes talaga ang dating. Favorite ko sa design ay etong lightning. Magnifying glass kasi ang pagkakagawa, and the entrance, isang drape na map ang pagkakadesign.
"Nice Marzia!"
Nginitian ko sila at inayos ang mga gamit ko. Binigyan ako ni Tammy ng gatorade na hindi ko tinanggihan, masyadong tumagatak ang pawis ko. Lumapit sa akin si Drekke at nilahad ang kamay niya.
"Yung editorial cartoon.."
Nagulat ako sa sinabi niya at nilabas ang portfolio ko para iabot sa kanya.
"Here."
Matagal din niyang tinignan ang gawa ko bago tumango, "This is good."
Umalis na sila nung Richard pagkatapos kaya hindi na lang din ako nagsalita at tinago ang portfolio ko.
"Marzia. Ano bang section mo? Hindi ka naman section 1 kasi yun ang klase naming apat."
Nayabangan ako sa sinabi ni Winnie kaya ngumisi ako. "Late enrollee kasi ako kaya yung tira-tira na lang ang napunta sa akin but I don't mind. I know what I'm capable of.. sectioning lang naman yan, label so I don't mind."
Sinuot ko ang bag ko at umalis na pero nilingon ko muna siya. "I'm section 6, the last section."
The principal insisted on bringing me to that cream section pero baka di lang ako makapag-aral kapag nakita ko ang Zabala na yun, tsaka mga kagaya ko lang din ang mga kaklase ko. Hindi sila mga bobo. I heard na nandito grumaduate ang panganay habang freshmen ang bunso. Hmp.. Mas marami, mas masaya.
Papunta sana ako ng library ng makita ko ang anak ng Witch, contestant sila? Sabagay ay maliban kay Drekke at Richard ay sila na ang pinakasikat na mga male student. Of course, they got the looks what so ever but after what they did to my Tatay. Sorry not sorry.
Nakatambay lang ako sa second floor at tinatanaw silang lahat na nagtitilian sa mga lalaki. What a pity. Gwapo nga pero masama ang mga ugali. Hays. Nakapalumbaba lang ako habang rumarampa yung sumapak kay Tatay. I should have planted traps sa stage para mapahiya siya. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng boses ng dalawang lalaking nagtatawan. Ayoko talaga silang tignan pero ng marinig ko ang pangalan ng Tatay ay napatingin ako.
I froze.
Etong dalawang lalaking papalapit? Pumikit ako at umiling pero sila pa rin ang nakita ko. Tumingin ako sa lalaking nasa backstage at dito sa nasa harap ko. Kambal sila?! Agad kong sinugod ang dalawang nagpagulat sa kanila.
"YOU SON OF A WITCH!" at pinukpok ko ulit siya. "How dare you hit my father! You don't have any right in this world!!"
Hinaharang niya ang mga suntok ko habang galit akong nakatitig sa kanya.
"I have. He ruined our family, now my Dad is wreck," malamig niyang sabi.
"If you want your Mom back get her! I don't like her! She's a witch! A freaking wi-"
Hindi ko natapos ang sasabihin dahil pinagsikop niya ang mukha ko. The nerve of this guy!
"She's your stepmom," galit niyang bulong. "Respect her!"
"That made us siblings then?" at ngumisi ako sabay iling. "Do you do drugs? Don't make me laugh. Oh dear.. They are not yet married! So don't tell me what to do! Ikaw nga hindi mo nirespeto ang Tatay ko!"
Tumawa siya habang pinapakalma ng katabi. "Respect your Dad? Dapat ay di siya umapid then wala tayong problema."
"Anak ka talaga ng witch, you both wicked! Nilandi ng Witch ang Tatay ko, kaya mali ka!" at galit ko siyang tinitigan. "Wala ka ng mga sandaling yun pero ako?! I saw everything! Kaya ikaw na Zabala ka! You messed with the wrong person! If you want revenge, give it to your Mom!"
Hindi siya nakapagreact dun at umiling na lang. Pahiya ka? Accept your defeat.
"What they're doing is a sin, not only in the society but in the eyes of God," sagot niya sa akin.
"Why don't you tell them that?"
Tinalikuran ko siya pagkasabi nun at nagpigil ng luha. "You made a very wrong move Zabala, and you'll pay for it"
Lumakad ako pababa ng building at palabas ng school. Hingal na hingal ako sa pagod at sa emosiyon ko. Parang sasabog ang puso ko pero mas nangibabaw ang galit ko.
BINABASA MO ANG
Sa'yo Ako
General FictionMarzia White loves her father so much that she can endure being with her new mother. She very well know na may mali sa relasiyon ng Tatay pero kaya niyang magtiis makita lang masaya muli ang kanyang ama. She can do anything for her father. ...