C#3
Abala ako sa pagli-lay-out mag-isa dito sa club room nang biglang magsipasukan na ang mga ka-member ko.
"Aga mo Marzia ah," lapit ni Tam sa akin. "WOW! PENTAB!"
Sinugod ako ng lahat ng kasamahan namin at puro papuri ang narinig ko na di ko din pinansin at nagpasalamat na lang.
"Pareho sila ni Drekke. Ang taray mo girl!" sabay gulo ni Tam sa buhok ko.
"Oh bakit di pa kayo nagtatrabaho? Ang dami nating deadline."
Lumingon ako sa club President pero bumalik din sa ginagawa. Tinignan ko ang listahan ng mga gagawin ko. Editorial, banner, ribbons.. pati mga chibi namin ay sa akin pa pinapagawa.
"Editorial cartoon mo?"
Mabilis kong kinuha ang portfolio ko at inabot sa kanya ang prinint ko kagabing digital art.
"Ah.. Ayos."
Pinagkibit ko na lang ang sinabi niya at tinapos ang banner lay-out para mapa-check na.
"Uhm? Pwede mo din bang i-check ito?"
Inabot ko ang tab ko na agad niya namang kinuha. Matagal niyang pinagmasdan ang gawa ko kaya nakuha ko pang uminom ng tubig at mamigay ng chocolates. Nagulat kami sa pagpasok na naman ng isa sa mga anak ng Witch.
"Ooh! Penge naman akong ganyan!"
Nahihiya akong nginuso nung isang bago din naming kasama at tahimik lang akong nakatingin sa kanya.
"You want?" sabay angat ko ng isang mini tobleron.
Lumawak ang ngiti niya at kinuha ang inaabot ko. "Thanks!"
"Oh Yuks. Wag mong i-instagram yan!" sigaw ni Richard.
"Ssshhhss!"
Pasimple akong napangiti sa ginawa niya at parang mabilis pinalo ni Zeus ang ulo ko. Bakit ako ngumingiti? I should be heartless! I must be heartless! Tinalikuran ko na sila at bumalik kay Drekke na mukhang pinapakealaman na ang gawa ko.
"Di mo naman sinabing nangengealam ka ng lay-out ng iba dapat pala prinint ko na lang din yan," sabi ko ng bigyan siya ng chocolate.
Tumawa siya sa sinabi ko. "Hmm.. Binago ko lang ng unti yung text at frame pero nice 'to. Pwede ng i-finalize."
"Okay," tamad kong sagot at kinuha na ang tab ko. "Bigay ko na bukas."
Tumayo ako at sinikop ang mga gamit ko para makauwi na, may dinner kami with my grandma at dapat daw ay mag-ayos ako.
"I'll go first, I have another appointment."
"Uy sabay na tayo! Bye guys!"
Mabilis akong lumabas pero naririnig ko ang bilis din ng yapak niya.
"Hey. Bagalan mo naman ng kaunti."
Huminto ako sa paglalakad kaya tumama siya sa akin dahilan para muntik ng mahulog ang tab ko.
"Ayy shit!"
Mabilis niyang sinalo ang tab ko kaya napaupo siya sa sahig. Kita ko ang kirot sa mukha niya kaya umupo ako sa harap niya.
"You all right?"
Tumango siya at nakangiting inabot ang tab ko. "Here."
"Thanks," I smiled.
Nilahad ko ang kamay ko para alalayan siyang makatayo pero tumayo na siya mag-isa kaya umurong na lang ako.
"Tara! May kotse bang naghihintay sayo? Hahatid na kita."
Umiling ako. "Wa-wala. Nagta-taxi lang ako."
"Ooh," panguso niyang sabi. "Samahan kitang mag-abang. Di pa ko allowed magdrive eh."
"Eh? Wala ka bang practice?" tanong ko.
"Wala. Champions don't practice," at kinuha niya ang mga nakapatong sa braso ko.
"Ahh.. Arrogant."
"I'm not!" nakangiti niyang apela.
Naglalakad na kami sa grounds ng makasalubong namin ang kambal niya. Dun lang ako natauhan na mali itong ginagawa ko.
"Hi bro!"
Malamig kaming nagtitigan ni Nathan habang kinakausap nitong si Yuki ang kasama niya.
"This is your plan?"
"What plan? My plan is to bring the Witch back to your family," sagot ko sa kanya.
"Who's the witch?"
Mabilis akong hinila palayo ni Nathan ng magtanong ang kapatid kaya nainis na naman ako.
"Shut your mouth in front of my brother," pabulong pero galit niyang sabi.
"So your brothers still don't have any idea?" nakangisi kong sabi. "I don't have a plan, don't worry."
"I don't believe you."
Nginitian ko lang siya at lumapit na sa kapatid niya para kunin ang mga gamit ko.
"Ako na lang. Nagseselos 'ata ang kakambal mo."
"But.."
Tinalikuran ko na siya at mabilis na nagmartsa palabas ng school. Narinig ko pang nag-away sila bago ako tuluyang nakalabas. Ano bang plano ang gusto mo Zabala? Marami ako niyan.
BINABASA MO ANG
Sa'yo Ako
General FictionMarzia White loves her father so much that she can endure being with her new mother. She very well know na may mali sa relasiyon ng Tatay pero kaya niyang magtiis makita lang masaya muli ang kanyang ama. She can do anything for her father. ...