CHAPTER 14

89 1 0
                                    

C#14


"Ms. Marzia! Good morning!" bati ng secretary ni Dad.

"Hi Olive. Where's Tatay?"

Umupo ako sa sofa at kita ko ang pagmamadali niyang kumuha ng makakain ko. Tama at medyo gutom na rin ako dahil sa biyahe.

"Nasa meeting po with Mr. Zabala."

Mabilis akong napatayo na kinagulat niya. What?!

"Where is he? Saan sila nagmi-meeting?!"

Nagtaka siya sa inasal ko at nilapag ang hawak na baso.

"Ma-ma'am sa opisina po ng mga Zabala. Located po ang o-"

Hindi ko na siya pinatapos at agad na umalis sa opisina namin. Napag-usapan na namin 'to ah?! Bakit hindi ako pinakinggan ni Tatay? I contact Drekke para malaman kung saan ba ang office ng mga Zabala.

"Long time!" masaya niyang sabi. "May party mamaya sa V, sama ka?"

Pumikit ako at nairita sa tanong niya. "Sure. Can you give me the address of Nathan's company?"

Tinapos ko ang pag-uusap namin ng masagot niya ako. I'll just go to that party to make up. Binato ko sa valet ang susi ko at mabilis na naglakad patungo sana sa reception ng makita ko agad si Nathan.

"Nate!"

Kita ko ang pagkagulat niya na napalitan ng ngiti.

"Tapos na ang meeting niyo?" natataranta kong tanong.

His eyebrows frowned. "Meeting?" lumiwanag ang mukha niya ng ma-realized ang tanong ko.

"That's between Yuki and Tito Lance. Baka nanliligaw si Yuki?" at mahina siyang tumawa.

"Fucker. What floor?"

Tumawa siya at inakbayan ako. "Let's go together."

Irita ko siyang tinignan at hinawi ang kamay niya. "Baka mapagkamalian tayo dito. I don't want to be your mistress."

Itinaas niya ang dalawang kamay at natatawang sinalubong ang isang babae, I think that's her wife? Nakangiting nakatingin sa akin yung asawa ni Nate habang pinapaliwanag siguro kung sino ako. I rolled my eyes. Can we hurry up?

"Nate?" frustrated kong sabi. "What floor?"

"Sa pinakataas. Left wing, conference room."

Tamad akong tumango at dumiretso na agad sa elevator. Inubos ng isang yun ang oras ko, kaasar. Pagkarating sa tamang palapag ay tinakbo ko ang sinabi ni Nate and thank God hindi ako naligaw! Sinalubong ako ng isang lalaki at mabilis kong tinaas ang kamay ko habang naghahabol pa ng hinga.

"Yuki's inside right?"

"Ye-yes Ma'am, pero ayaw niya pong paistorbo," taranta nitong sabi.

Umiling ako at hinawi ang pinto. "Tatay!"

Kita ko kung paano napatayo ang Tatay at si Yuki na.. long-haired? Ganun na ba katagal ang panahon na nagpalitan na ang kambal ng hairstyle? Or this just one of their zillion trips?

"Marzia? What are you doing here?"

Ngumiwi ako. "Tay? What're you doing here?"

"We're talking about your company being under my company," masungit na sagot ni Yuki.

"Really? Then, no more talks I'll manage our company without your help," matapang kong sabi.

"Marzia.. How about your business? Di'ba magtatayo ka dito? It will be a burden," mahinahong sabi ni Tatay.

"I don't want him to buy the company! That's final!"

Tinaas ni Yuki ang dalawang kamay niya. "I'm not going to buy the whole company, just some few stocks."

Galit ko siyang tinignan. "No," at bumaling ako kay Tatay. "I already talked to Quen, tutulungan niya ako."

Hinihila ko na palabas ang Tatay nang magsalita si Yuki. Mabilis akong tumingin sa kanya at kita ko ang mapanukso niyang ngiti.

"So that's why you don't want my help? Because your boyfriend will already help you?"

Tumayo siya at lumapit sa akin. He towered over me. Ilang taon na ba simula ng huli ko siyang makita? He developed a lot. Pinilig ko ang ulo ko dahil paniguradong pagkamangha ang makikita sa mukha ko.

"Yes," at tuluyan na akong lumabas.

Asshole, jerk.. Pinsan ko yun! Besides, he's gay!

Sa'yo AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon