CHAPTER 16

76 1 0
                                    

C#16


Maaga pa rin akong pumasok sa opisina kahit medyo masama ang pakiramdam ko. Not that I'm wasted but I think wala talaga ako sa mood. Idagdag mo pa ang nangyari sa amin ni Yuki sa CR last night. He played a censored video! Pagkaalis ng mga babae ay tinulak ko agad siya at umuwi na. Too much for that night! Papasok na sana ako sa opisina ng Tatay ng makirinig ako ng pamilyar na mga boses.

"Yes Tito. I'll think papayag din siya," sabi ni Yuki.

"I hope so.. This is the only way to save the company."

Pumasok agad ako pagkarinig nun kaya halos mapatalon sila sa kanilang mga inuupuan. Galit akong tumingin kay Yuki pero malungkot akong tumingin kay Tatay.

"What is this again? Akala ko tapos na po ito? Enrique is coming today," malungkot kong tanong.

Tumayo si Tatay at lumapit sa akin. "The money that your Tito will give is still not enough."

Humalukipkip ako at tumingin kay Yuki. "He's still good in management," 'tsaka bumaling kay Tatay. "Stop this. Please."

"Hindi ba pwedeng apakan mo muna yung pride mo para sa company niyo? Save it later pag tayong dalawa lang."

Tumawa ako at inis na tumingin sa kanya. Anong pinagsasabi ng isang 'to? Kapag kaming dalawa na lang? Is he even serious about what he said?

"Tay. Pauwiin mo na siya," kalmado kong sabi.

"Marzia.. Please understand, just this time," malungkot na sabi ni Tatay sa akin.

Bumuntong hininga ako, "Fine."

Tinalikuran ko sila matapos magpaalam dahil susunduin ko na ang baklita sa airport. Malapit na ako sa NAIA ng tumunog ang phone ko.

"Hello? I'm driving. Can you call me later?"

Ilang segundo din bago sumagot ang nasa kabilang linya.

"Okay. Ayaw pang paistorbo talaga."

Nagulat ako sa nagsalita! Where did he get my number? Kay Drekke? Kay Tatay?

"Shut up," at tinapos ko ang tawag.

"Ang tagal mo ah. Nagkaka-split ends na ako!"

Tumawa ako at niyakap siya. "Sorry na. Nagpa-reserved na ako sa paborito mong bar dito."

Lumawak ang ngiti niya at mabilis akong hinila. Tumatawa lang ako ng bigla siyang humarap sa akin.

"You're familiar with the Zabala's?" umirap siya. "Of course! Why did I even asked that?"

"Ano ngayon?"

Ngumuso siya. "You invite your brothers?"

"Shit. Brothers? Stop that," irita kong sabi.

Tinulak niya ako habang tumatawa. "Exaggerated ka! Kaso mga taken na eh. Tsk!"

Dumiretso ako sa condo na tinitirahan ng maarteng 'to. Gusto ko na sanang sabunutan pero baka iba ang maisip ko dahil pareho silang long-haired ni.. Pinilig ko ang ulo ko at pinindot ang unlock button ng kotse.

"May pupuntahan muna ako ha," paalam ko kay Quen at pinakawalan naman niya ako matapos ng ilang paliwanag.

Saan nga ba ako pupunta? Gusto ko lang talagang mapag-isa muna. Kung hindi lang sa lalaking yun ay baka kalmado akong nagtatrabaho ngayon. Lumiko ako ng maisip kung saan pupunta at pumasok sa village kung nasaan ang bahay namin. I wonder kung nasa bahay si Reese.

"Ate!"

Ngumiti ako at natuwang makita siya. Sa condo ni Quen ako tumutuloy para mas malapit sa office kaya ngayon pa lang ako nakapunta dito. Niyakap ko siya at nainggit sa sexy niyang katawan. Kahit medyo kahawig niya ang mga magkakapatid na yun, okay lang.

"You're going to the gym?" nagtataka kong tanong dahil sa get-up niya.

"Nope. Nagzu-zumba lang ako sa loob. Royette is not around, maybe he's with his friends," binuksan niya ng malaki ang pinto. "Tara. I'll just change."

Pinagmasdan ko ang bahay at wala namang pagbabago, ganun pa din. Nag-angat ako ng tingin at nakitang mabilis na tumatakbo pababa si Reese na may dalang clearbook.

"I need your help," at nilapag niya sa mesa ang clearbook. "I'm already planning for my grand debut next month."

Ngumiti ako at sarcastic siyang tinignan. "Grand talaga?"

"Yes," confident niyang sabi.

Akala ko lugi na ang kumpanya? Bakit gagastos pa ng todo? Dapat pala ay hindi dinala ang kambal sa America, nag-iba ang taste nila. Umiling na lang ako at sinilip ang nilapag niya.

"Kuya's will sponsor this don't worry," nakangiti niyang sabi at umupo sa tabi ko para tignan din ang binaba niya.

"The Zabala?" tanong ko na pinipilit itago ang pagkairita.

"Yes. I met Kuys Jir and Kuys Nate's wifeys. They are so gorgeous and magkapatid sila!"

The Alvarez sisters.. Tinignan ko siya. "Mas maganda sa atin?"

Matagal niya akong tinignan before she burst out laughing.

"What's with that question?" nakangiti niya pa ding sabi.

Umirap ako at hindi na siya sinagot. I'm just curious. Inayos ko ang buhok ko at nagsimula ng magbigay ng suggestions para sa party.

Sa'yo AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon