C#29
"Hindi kita masagot dyan kasi di ko pa nararanasan. Maybe for her, she told me na hindi daw siya ang type ni Drake."
Tumingin ako kay Yuki ng hindi niya ako sagutin and he's just staring at his cup.
"My love for you never fades."
Huminto ang mundo ko dun at damang-dama ko ang puso ko sa dibdib ko. What does he mean? Wala akong masabi! Tinitigan ko lang siya dahil yun lang ang kaya kong ibigay na sagot sa kanya.
"Hey," at bumaling na siya sa akin.
Tumawid ako ng upo. "Yes?"
Ngumisi siya at umiling. "I guess your feelings for me is already gone. Tagal na nun. High school pa! "
I am literally speechless. I want to say hell no pero natatakot ako na baka kagaya lang ito ng noon. I look at him at kita ko ang sakit sa mata niya.
"Is this a dare or something?" at pinahaba ko ang leeg ko para hanapin ang kahit sinong alam kong wala naman.
Tumayo siya at nakangising umiling. "Now. You already answered me about fading love."
Tinalikuran niya ako at naglakad na papasok sa loob. Nakagat ko na lang ang labi ko. Damn! Sumandal ako at pumikit. Ang galing ko.
"Ate!" tawag ni Royette sa akin.
"Oh?" tinanggal ko ang pagod sa aking mukha dahil detective ang isang 'to
"Pasok ka dun, kala ko tulog ka na. Jamming muna tayo!" nakangiti niyang aya sa akin.
Minsan ko lang naman kasama ang mga kapatid ko kaya hindi na ako nagpaka-kill joy at sumama ako sa kanya.
Masaya nang nagtatawanan ang lahat habang kumakanta ang isa sa mga kaibigan nilang nakalimutan ko na ang pangalan. Umupo ako sa tabi ni Drake at nagulat ako ng abutan ako ni Reese ng gitara.
"Magaling kumanta si Ate! Napanood niyo yung kanta niya sa Youtube?" bumaling siya sa akin. "Please?"
Nagtaas ako ng kilay at nakangiting umiling sa kanya. Niyakap ko ang gitara at nagsimulang magstrum.
"I found myself dreaming,
In silver and gold.
Like a scene from a movie,
That every broken heart knows
we were walking on moonlight.."
Natahimik silang lahat ng magsimula ako kumanta. Tinignan ko si Reese at inilingan.
"And you pulled me close.
Split second and you disappeared
and then I was alone..."
Pumalakpak agad si Reese kaya kinindatan ko siya. Narinig ko naman ang biruan ng mga kaibigan nilang kanina pa ako kinukulit. Panay ang papuri nila sa akin na inilingan ko lang.
"So I'm gonna love you
Like I'm gonna lose you.
I'm gonna love you
Like I'm gonna lose you.."
Nagtayuan ang mga loko-loko at nag-slow dance. Tawa ng tawa si Reese habang nakangiti akong nakatingin sa kanila. Ipagpapatuloy ko na sana ang pagkanta nang si Yuki ang bumanat ng male part. Napatitig ako sa kanya.
"In the blink of an eye
Just a whisper of smoke.
You could lose everything,
The truth is you ever know.."
Naestatwa 'ata ako ng literal dahil na rin sa pagtitig niya sa akin habang kumakanta. Namumula na 'ata ang mukha ko sa ginagawa niya! Buti at nagagawa ko pang mag-strum sa kaba ko ngayon.
"So I'll kiss you longer baby,
Any chance that I get.
I'll make the most of the minutes
And love with no regrets."
Nagising lang ako ng mapagtantong chorus na ulit. Siya din pala ang kumanta ng parte ko. Laking pasasalamat ko ng hindi ko nagagawang tumigil sa kaka-strum. At hindi rin ako napapansin ni Royette.
"I'm gonna love you,
Like I'm gonna lose you.."
"La putek bagay!" sigaw nung katabi ni Yuki at nakipag-high five pa sa kanya.
Tumayo si Royette sa likod ko kaya tiningala ko siya.
"Oh teka kuys! Ate ko 'to! Wag mong ligawan!"
Natawa ako kay Roy at mahina siyang siniko kaya umupo siya sa tabi ko ulit.
"Wow possesive!" biro ni Jirou habang nagtitipa sa phone. "Zabala nga, ayon kay Ate."
Aawayin ko na sana si Nate nang bigla namang magsalita ang kakambal nito.
"Grabe ka kuys," nagtatampong sabi ni Yuki. "Paano kung gusto ko?"
"Shut up bro," nakangiting sabi ni Nate at tumingin siya sa akin.
Inabot ko ang gitara kay Drekke at agad tumayo. Piningot ko ang ilong ng kapatid ko. "Pinagbigyan na kita."
Hinarap ko silang lahat at nginitian. "Good night guys for real! Wag kayong magpapaniwala kay Yuki, playboy yan."
Paakyat na sana ako ng marinig kong may nag-doorbell sa gate. Sinilip ko ang cctv at nakitang may babae sa labas, nagsalita ako sa intercomm.
"Who are you?"
"Paula Lazaro."
Yuki's girlfriend huh?
"Okay. Wait for me."
Tinakbo ko ang layo ng security room at ng gate. Why is she here? Sinusundo na niya si Yuki? Binuksan ko ang gate at ngumiti siya sa akin.
"Hi. Can I come in?"
Wala sa sarili akong tumango. "Sure."
BINABASA MO ANG
Sa'yo Ako
Aktuelle LiteraturMarzia White loves her father so much that she can endure being with her new mother. She very well know na may mali sa relasiyon ng Tatay pero kaya niyang magtiis makita lang masaya muli ang kanyang ama. She can do anything for her father. ...