C#12
Natapos ng maayos ang kasal at nag-ienjoy naman ang lahat sa reception, nandito lang din kami sa hotel kung saan nagcheck-in ang lahat. Kita ko ang saya sa mukha nilang dalawa kaya masaya na din ako. I can't believe myself na matatanggap ko ito.
"Plano mong magbusiness?" tanong ni Tito Javier kay Tatay.
"Oo para sa mga anak ko."
"Trucking is a hard thing to manage," ani ni Tito.
Ngumiti si Tatay. "Then let's risk in it."
Inikot ko ang paningin sa paligid at nagulat sa biglang paghi-histerya ng kakarating lang na bisita.
"WHAT IS THE MEANING OF THIS MOM?!"
Napatingin ang lahat kay Yuki pero ang tingin niya ay nasa kanyang Mommy lang.
"I'm gonna kill you! Home wrecker! Pinagpilitan mo talaga ah!"
Nagkagulo na ang lahat at inaawat siya ng kapatid niya pero patuloy pa din siya sa pagwawala. Mabilis ang paghinga ko at pati na din ang paglakad ko. Di'ba nakamove-on na sila?
"You agreed on this? Really Nathan?!"
Naalala ko ang mga kapatid ko kaya napatingin ako sa kanilang dalawa na gulat na gulat sa nakikita. Who wouldn't? Nagwawala si Yuki dito! Hinihila niya ang mga sheet ng mesa dahilan para mabasag ang mga baso. Lumapit ako sa kanya at mabilis siyang sinapak.
"You know what?! Nakakairita ka! You ruined something special! Ayaw ko din naman 'to pero for my Tatay, I accept this so please stop making a scene!"
Bumaling sa akin si Yuki at ngayon ko lang nakitang ganito kadilim ang mata niya. He's serious! He's really ready to kill! Mabilis din siyang nag-iwas ng tingin sa akin at umalis sa venue, napabuntong-hininga na lang ako.
"I'm sorry for that," panimula ni Nathan. "I asked the waiters to fix the mess. Let's all continue our celebration."
Dahil sa sinabi ni Nathan ay nagbalik ang lahat sa dati. Nakita kong nagtatawanan na ang mga bisita maliban sa kambal kong kapatid. Agaran akong lumapit sa kanila.
"What's wrong?" at inayos ko ang nagulong buhok ni Reese.
"Why is Kuys Yuks like that?" malungkot niyang tanong sa akin bago bumaling sa kakambal. "You shouldn't invite him Reesielle."
"Hush," bulong ko sa dalawa bago pang sila naman ang magsimula ng gulo. "It's done, mag-enjoy na lang tayo."
Lumabas ako ng banquet hall para makahinga ng makitang nandito pa din si Yuki. Irita akong lumapit sa kanya.
"Don't tell me na you'll start another ruckus paglabas nila?" biro kong half-meant.
Ngumisi siya at tumayo. "I'm actually waiting for you."
"Me? Why?"
Hinila niya ako at muli ko na namang nakita ang mga nakakatakot niyang mata.
"What?! Nasasaktan ako!" irita kong sabi habang hinahawi ang kamay niya sa braso ko.
"You knew this! Hindi mo man lang sinabi sa akin! Galit ka pa rin ba dahil sa nangyari noon?!"
"Bakit di ka kay Nathan magalit?! Bakit sa akin?!" nanggagalaiti kong sabi.
Suminghap siya at napahawak sa gitna ng mata niya habang nakapikit.
"Fine. Kaya ayaw mo sa akin dahil dito di'ba?"
"Anong connect?" irita kong sabi.
"Wala! Walang connect ang lahat ng 'to! When you leave again, wag ka ng babalik!" tumigil siya at umiling. "O kung babalik ka man, wag kang magpapakita sa akin!"
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya at hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Inside me, I'm breaking! Parang unti-unting dinudurog ang puso ko at nagiging batong muli. Pinunasan ko ang tumakas na luha sa mga mata ko.
"I don't get you at all! Ayoko sayo dahil asawa ng Tatay ko ang Mommy mo! Ayoko sa inyong magkakapatid! Kuha mo? Nag-aaral ako sa school niyo just to get revenge pero what did you do to me?! Ako ang binitag niyo! You broke my heart before and you are so great because you broke me again! Masaya ka na?"
Halos pumiyok ako ng sabihin ang huling salita ko sa kanya. Tumakbo ako palabas ng lugar nang di siya nililingon at agarang tumawag ng taxi. Uuwi na ako! At hindi na ako babalik pa dito!
BINABASA MO ANG
Sa'yo Ako
General FictionMarzia White loves her father so much that she can endure being with her new mother. She very well know na may mali sa relasiyon ng Tatay pero kaya niyang magtiis makita lang masaya muli ang kanyang ama. She can do anything for her father. ...