CHAPTER 22

85 1 0
                                    

C#22


Everyone is enjoying Reese's debut and I finally met the Alvarez sisters who caught the sneeky attention and the playful heart of the Zabala brothers. Both of them are nice, hindi lang sa itsura pati na rin sa ugali, so no doubt na magustuhan sila ng dalawang magkapatid.

"Grabe! Ang ganda mo!"

Tumawa ako sa sinabi ni Rhia, how come na mas maganda ako? She's a goddess!

"Wow! Hearing that from a goddess-like, I'm so fluttered."

Tinapik niya ako at tumawa. "Uy. Kakahiya naman yung sinabi mo."

"No joke babe!" masaya kong sabi.

Humalukipkip si Shey sa harap ko. "So you are only referring to her?"

"You look like identical twins!", natatawa kong sabi.

"Thanks," masaya niyang sabi. "Madaming ngang may sabi."

Iniwan ko na sila ng dumating ang mga kakilala nila at pumunta sa ibang mga bisita. Nasa pangatlong palit na si Reese dahil mayroon siyang special performance. She loves to dance, member sila ni Royette ng dance squad sa school nila sa America.

Tuwang-tuwa lang akong vinivideohan ang mga kapatid ko. Ang galing nila! Halos umalog ang tripod ko sa kaka-hiyaw at palakpak. That RNB-interpretative dance is so awesome!

"Thank you guys!" masayang sabi ni Reese at humarap sa camera ko. "Thanks Ate! I love you!" at nag-flying kiss siya.

"I love you."

Taranta akong napatingin sa nagsalita at halos mabuwal ang camera ko ng makitang si Yuki iyon. Shit naman oh! Napahawak ako sa dibdib ko at huminga ng malalim.

"You don't have to repeat whatever she said!"

Tumawa siya at hinagod ang bagong gupit niyang buhok. "I'm sorry."

"You removed your dye?" nagtataka kong tanong.

Of all the brothers, eto ang mahilig magpakulay. He manage to kill his habits.

"Guess old habits die easily," mayabang niyang sabi.

I rolled my eyes. "Eww. Whatever. Magkamukhang-magkamukha na kayo ni Nathy-boy."

Ngumiti siya sa akin. "Pareho kayo ni Roy. Ang hilig maglagay ng -y-boy."

"You're so right Yuki-boy," at kinindatan ko siya bago umalis.

Pumikit ako at huminga ng malalim pagkaupo. We're almost at the end of the party kaya picture taking doon, picture taking dito.

"Oh family picture naman!"

Pumunta agad sa gitna yung dalawa habang hila-hila si Tatay na obviously'ng ayaw at naka-on ang KJ mode kahit tatawa-tawa pa.

"Ate Marzia!" tawag ni Roy. "Ano ka dyan?" masungit niyang sabi.

Tumawa ako habang papalapit at kita ko ang masaya na malungkot na ngiti ni Tatay.

"Thanks baby," sabi niya pagka-akyat ko.

Bineso ko siya at binulungan. "Everything for you," nakangiti ako tumingin kay Reese na hawak pa ang picture frame ng mommy nila. "That's creepy."

"No it's not," maarte niyang sabi.

Pose dito, pose doon ang ginawa namin. Tinawag pa ang magkakapatid na Zabala kaya mas lalong nagpitikan ang mga camera.

"Naku. Malalaman nilang pogi ako!" biro ni Yuki.

"Shut up bro," nakangiting sabi ni Nathan.

Gumilid ako at tumabi kay Royette para makapwesto sa gitna ang magkakapatid na ito but Yuki still managed to get through me.

"Dito ako!" magiliw niyang sabi.

Hindi na ako nakapalag dahil nagsisimula ng magbilang ang main photographer. Tinagilid ko na lang ang katawan ko at inihain ang famous smile ko.

"Madam! Compress ng kaunti!"

Damn it! Hindi ba makaramdam itong potograpo? Sheez! Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ng nasa tabi ko.

"Kahit lumayo ka pa, hindi ako titigil mapasaakin ka lang. The odds will always be at my side," may yabang niyang sabi.

"Really?" pilosopo kong sagot. "I'm done playing with you all. I've move on, you should too."

"I will never get over from you. Please remember that, and whose playing?"

Naghudyat na muli ang photographer at nagpose na kami na parang wala lang ang nangyari.. na parang wala kaming pinag-usapan.. na parang hindi kami magkakilala. Naghiwalay kami sa stage na walang imikan.

Naupo akong muli at kumuha ng drinks na alok ng waiter. Kinuha ko ang aking cellphone at tinignan sa instagram ang ginawa kong documentation ng birthday ni Reese. Sa gilid ko ay kita kong kinakausap ni Roy ang Tatay.

"Ate!"

I smiled. "Bakit Reese?"

"Ganda ng posts mo sa IG. Thank you!" at hinila niya ako patayo. "I'll take a photo of you para may picture ka. Hold my balloons!"

Tumawa ako. "That's korni!"

Umupo ako sa gitna at nagpose habang hawak ko yung binigay niya. Tawa ako ng tawa at pagkatapos ay napatingin ako kay Yuki na seryoso lang na nakatitig sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at sinilip ang phone ni Reese.

"Ang ganda mo Ate!"

Nakarinig ako ng tumatawa palapit sa amin and my heart raced so fast nairita ako! Inirapan ko si Yuki at nagpatuloy na lang sa pagtingin sa phone ng aking kapatid.

"Kuys! Look how pretty my sister is like me!" Masayang kinuha ni Reese ang kanyang cellphone at  sa kapatid. "See?"

Nakangiti lang siya habang tinitignan ang mga litrato and I never felt so attacked, parang ginagawa niyang entertainment section ang mukha ko. Sinilip niya ako with still a smile on his face. 

"Ganda niyan ah, anong pangalan niyan?"

Tumawa ng malakas si Reese kaya nakuha niya ang atensiyon ni Royette na kausap pa rin si Tatay.

"Hoy Kuys! Bawal the moves ah!"

"Hindi naman ah," natatawa niya pa ring sabi. "Nai-post mo na ba sa instagram yan? Para mapusuan ko na."

Blaah! I wanna puke! Umiling lang ako at tumayo na ah. Kinalabit ko si Reese na abot universe pa rin ang ngiti. Uuwi na ako. Tutal tapos na rin naman na ang party. Baka pag nagtagal pa ako dito ay tuluyan na akong masuka sa kakornihan ng Yuki na 'to. Kinuha ko ang purse na nakapatong sa mesa.

"Uwi ka na? Will party pa."

Tumango lang ako. "Oo, hindi ko kaya yung kakornihan eh."

Tumawa na naman ng malakas si Reese pero hindi na ako lumingon para makita ang kung anong reaksiyon ni Yuki.

Sa'yo AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon