CHAPTER 9

80 2 0
                                    

C#9


"Ate Zia!!"

Napatingin ako kay Royette at kinawayan siya kaya halos mapatingin ang lahat ng kalaro niya sa amin.

"Uy ate mo?" tanong ng lalaking naka-ball cap. "Kaganda ah! Hi ate!" kaway niya sa akin kaya nginitian ko siya.

"Bestfriend ko ate. Jarius," pakilala ng kapatid ko.

"Oh? Hi! I'm Marzia."

Napatingin ako kay Ree na tahimik lang na nakatingin dun sa lalaking may salamin at bagsak ang buhok. I bet k-pop fan ito. Siniko ko siya at nginitian.

"Stop that look Ate," maarte niyang sabi.

Lumapit sa akin si Roy at may binulong. "He likes Dr-!"

Nagulat ako sa biglang pagtili ni Ree dahilan para maisigaw ni Roy ang binubulong. Tumingin ako dun sa lalaki at parang pamilyar siya sa akin. Ngumiti siya at patalong tumango.

"MARZIA!"

Tumingin ang magkapatid sa akin at tinignan ko din sila. "Ako yung tinawag?" pa-inosente kong tanong.

"Ate! Tinatawag ka ni Kuys Drekke," sabi ni Jarius.

Drekke? Hmm? Ah club president! Tumakbo ako palapit sa kanya at binati siya.

"Long time no see!" masaya kong sabi. "New look?"

"Yah. Nagpapaka-ermitanyo na ako. Chemical Engineering will kill me."

Nagtawanan kaming dalawa sa joke niya at lumapit ang mga bagets sa amin. Inakbayan ko si Reesie na nahihiya.

"Dito ka pala nakatira. Guess, 9 months is not enough for us to know each other," nakangiti kong sabi.

"Naks! Say it like American ah!" at kinurot ang pisngi ko. "Course mo?"

"Huh? Interior Design."

"Nice. Patingin ng designs mo," masaya niyang sabi.

Umiling ako. "Nasa bahay ang tab ko eh."

"Aww.. Ice cream na lang tayo? My treat," tumango ako at ngumiti siya. "Drake! Wanna come?"

Tumingin ako sa direksiyong inuupuan niya kanina at nakita ko talaga ang kaparehong-kaparehong mukha ni Drekke. Maputi, matangos na ilong, malalim na mata at pink na lips. Sumilip ulit ako sa kapatid ko at kita ko ang pamumula ng mukha niya. Ah, ito ang crush niya. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko kung paano pumula ang pisngi nung Drake at nag-iwas ng tingin.

"Nope. I'll just practice here."

"Aryt!" humarap si Drekke sa akin. "Tara?"

Pagkaharap namin sa gate ay may pamilyar na mukhang tumambad sa akin. Now, I wanna sing Signal Fire! Nginitian ko siya pero sinimangutan niya lang ako at nakangising humarap kay Drekke.

"Hey Boy! New girl? Akala ko may lakad tayo?"

New girl? New girl? Hindi niya ba ako namumukhaan? May nagbago ba sa mukha ko? Di na ba ako katulad ng dati? And why do I suddenly feel conscious? Nagkibit-balikat ako at hinayaan silang mag-usap. So what kung di niya ako kilala?

"Si Marzia, Pre? You don't remember her? Your prom date wayback in junior days!"

Nairita ako na parang ang saya niyang pinapakilala ako sa taong kilala na ako.

"Oh! Hi! Long time no see!" at kumindat siya.

Tipid lang akong ngumiti at nagkunwaring di naiirita. Damn! I'm not good in acting! Inakbayan ko na lang din si Roy pero may binulong si Ree sa kanya.

"Saw Ate looking at Kuys!" hagikgik niyang sabi.

"You like him?" seryoso naman itong lalaki ko.

Umiling ako at tumawa. "Of course not! Schoolmate kami nung high school."

"Sama ka? Dyan lang sa Big Scoop?"

"Yeah sure! Pero nakajersey ako.. I think I smell like pig? Can you give me 10-minutes? Sa bahay na lang muna kayo."

Pagkasabi niya nun ay tinignan niya ako. Blinangko ko ang ekspresiyon ko at hinayaan siya. Tss. Parang may paki ako. Kakasama kay Tasha ay nababawasan ang 'Bitch Side' ko.

"I'll just take a shower too. Kita na lang tayo sa tapat ng bahay niyo," hamon ko sa kanya at tumingin sa mga kapatid ko. "Alam niyo kung saan siya nakatira?"

Tumango ang dalawa kaya humarap ako kay Drekke. "Ganun na lang? Para makasama na din ang kapatid mo."

Tumango siya kaya umalis na kami sa harap nila. New girl ka pang nalalaman.

Son of a Witch ka pa rin!

Sa'yo AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon