C#28
Masaya ang party, panay ang tawanan ng lahat at parang naiilang ako sa sobrang ka-sweetan ni Reese sa boyfriend niya. Panay din ang pagpaparinig ng mga kapatid niyang lalaki sa kanya pero kibit balikat lang ang gaga.
"What is your surname again?" tanong ni Nathan na kasama ang anak na si Daniel.
"Dad. You're not listening! His surname is Ku!"
Ku? Nagtawanan kaming lahat dahil sa sinabi ni baby Di. Tawa din ng tawa si Nathan at ginulo ang buhok ng anak.
"He's right," nakangiting sabi ni Felix. "I'm Felix Cui."
Nagulat ako sa narinig ang kamuntik ng mahulog ang hawak ng kubyertos. Napatingin agad ako kay Yuki na nagkibit balikat lang kaya pilit akong ngumiti kay Felix.
"Your brother is Fernando Cui?"
Tumango siya sa amin ni Yuki. "Yes ate. Tama nga si kuya na possesive si kuya Yuki."
"Lahat ng Zabala possesive," pagtatama ko sa kanya na naging instant topic ng lokohan.
Pagkatapos mag-dinner ay nagtakbuhan agad ang lahat ng boys sa garden dahil naghanda ng inuman ang mga kambal. Nagpaiwan kami ni Reese sa kusina para maglinis ng pinagkainan.
"Ganda," tawag ko sa kapatid ko. "Akala ko si Drake ang boyfriend mo?"
Napatulala ang kapatid ko sa akin at mabilis na umiling. Natawa naman ako at mahina siyang kinutusan. Halatang gusto niya pa si Draky-boy pero bakit?
"Kung ganon? Bakit?"
"Anong bakit Ate?" tanong niya habang nagsasabon ng mga baso.
"Bakit si Felix?" at tinignan ko na siya.
Tinignan niya din ako. "Why not him? He's a nice guy. 'Tsaka ate, sinabi ni Drake na I'm not his kind of girl. He is just my childhood crush and as years goes by my feelings for him fade. Unrequited love should only be felt once."
Tahimik lang akong nakaupo sa tabi ni Royette habang nakatitig sa baso'ng inabot niya sa akin.
Her feelings faded? I should also feel that way pero bakit hindi? Nag-angat ako ng tingin at ang unang natagpuan ko ay ang kay Yuki. Nakatitig din siya sa akin at pilit niyang inaalam ang tumatakbo sa isip ko. Nginitian ko siya at tinaas ang baso ko bago diretso'ng ininom. Tumayo ako pagkatapos kaya napatingin ang lahat sa akin.
"Pasok na ko. I'm not in the mood for booze tonight."
Hindi ko na sila pinakinggan pa at dumiretso na papasok sa loob ng bahay. Umupo agad ako sa balcony at tumitig sa kawalan.
"Problem?"
Nilingon ko si Yuki at nakita ko ang seryoso niyang tingin na nakapukol sa akin. Umiling lang ako bilang sagot sa kanya.
"Really?" at umupo siya sa tabi ko. "Is it because of Felix?"
Umiling lang ulit ako but I feel obligated to answer him. "No. Not at all."
"Then?"
I sighed. He just won't stop. "Nag-usap kami ni Reese, just girly things."
"Buntis siya?"
Gusto kong matawa pero nangibabaw ang bwiset ko kaya tinignan ko siya ng masama.
"No, jerk."
Tumawa siya kaya napangiti na din ako. Baka naman hindi si Drake ang first love ni Reese kaya ganun?
"What can you say about fading love?"
Nakuha niya ng buo ang atensiyon ko kaya mabilis akong tumingin sa kanya.
"How about you?"
Ngumiti siya sa tanong ko. "Na-experienced mo na bang mawala ang feelings mo para sa isang tao?"
"Ikaw ba?"
Sabay kaming napatawa ng marealized na tanong lang kami ng tanong at hindi namin sinasagot ang isa't isa. Halos maubusan na ako ng hangin kakatawa at ganun din siya.
"Bakit mo naman naisip yan?" tanong ko ng mahimasmasan.
"That's what Royette told me nung tinanong ko siya kung bakit hindi si Drake ang boyfriend ni Reese."
Tumango ako. My sister is consistent then? I'm proud for her and feel like a loser right now.
BINABASA MO ANG
Sa'yo Ako
General FictionMarzia White loves her father so much that she can endure being with her new mother. She very well know na may mali sa relasiyon ng Tatay pero kaya niyang magtiis makita lang masaya muli ang kanyang ama. She can do anything for her father. ...