CHAPTER 27

56 0 0
                                    

C#27


Dalawang meeting ang hindi pinuntahan ni Fernando at nag-aalala na ako kahit sinabi pa ni Justin na wala lang iyon. Hindi pwedeng wala yun. Tinignan ko ang representative ng company nila na pinapaliwanag ang sales para sa buwan na ito.

"What do you mean?"

Mula sa hand-outs ay napatingin ako kay Yuki. Hanggang ngayon ay issue pa rin ang expansion na ino-offer ng mga Cui para sa kanya. Tinaasan ko ng kilay si Quen at tinuro niya ang additional hand-outs na binigay kanina. Tinaas ko ang kamay ko para matigil ang nagbabadyang bangayan. Hindi kami matatapos kung puro away dito.

"Okay. To settle this, I'll.. I mean, we'll review the proposal. Just to calm the sea," at tumingin ako kay Yuki na umiling lang.

Pagkatapos ng meeting ay nag-video call ako kay Tatay. I need him. Malawak ang ngiti niya ng makita ko siya kaya kumaway agad ako.

"Tay. Kelan ka ba uuwi?"

Lalong lumawak ang ngiti ng Tatay dahil sa tanong ko at napabuntong hininga na lang ako.

"Tay? What do you think about the Cui's?"

Nakita ko ang mabilis na pagpapalit ng ekspresiyon ng tatay kaya agad akong nag-alala.

"Is he courting you? I mean, Fernando?" nag-aalalang tanong niya.

Umangat ang labi ko at malakas na tumawa. "NO!"

"So.. This is about the expansion?" tumango ako bilang tugon sa tanong niya. "Yuki consulted me regarding this and I think he's right na wag munang mag-expand. Magpalaki muna tayo ng revenue."

Tumango na lang ako. "If that's your decision Tay."

Tahimik lang akong nakaupo dito sa condo habang abala ang dalawang 'to para maghang-out. Pinapanood ko lang sila habang nag-aayos.

"Ayaw mo talaga?" tanong ni Just at tumabi sa akin.

Umiling ako. "Uuwi ako. Naghanda daw ng dinner si Reese and she'll introduce her boyfriend."

"Oh!" at tumawa si Justin. "The protective sister in the house! Kwentuhan mo na lang ako kung binugbog mo ah," at mahina niya sinuntok ang braso ko.

"Gago!" singhal ko sa kanya.

Sumabay ako sa pagbaba sa basement. Since nasa casa ang sasakyan ni Just ay magsasama muna silang kapatid sa sasakyan ni Quen. Hindi ko mapigilan ang pagtawa dahil sa get-up nilang dalawa.

"What's with the outfit?" taas kilay kong tanong.

Tinignan ng kambal ang hitsura nila at mamamangha ka talaga sa sobrang identical nila ay para silang nananalamin.

"Why?" tanong pabalik ni Quen.

Umiling na lang ako at pumasok na sa sariling sasakyan. Binaba ko ang salamin para makapagpaalam.

"Take care! Madami sana kayong mauto!"

Within 30-minutes ay nakarating agad ako sa bahay. There are five cars here, don't tell me? Mabilis kong pinark ang sasakyan ko sa natitirang spot at agad na bumaba.

Tanaw ko agad ang magkakapatid na Zabala at nainis ako sa mukha ni Yuki. Why are they all here? Patakbong lumapit sa akin si Royette at bineso ako.

"I miss you Ate."

Ngumiti ako at hinagkan ang dalawa niyang pisngi kaya napaurong siya.

"Naman Ate!" halata ang pagkairita niya.

Tumawa ako. "I thought you missed me?"

"You are clingy!"

Tumawa muli ako at pumunta na kami sa garden area. Napansin ko ang isang pamilyar na lalaki na nakikipagtawanan sa mga Zabala.. So, Reese's boyfriend is?

"Drake!"

Lumingon ang tinawag ng kapatid ko at tumayo siya para lapitan ako. Ang gwapo na ng batang ito! Much better than Drekke!

"Hi Ate," bati niya sa akin.

"Kamusta? Pogi natin ah," loko ko sa kanya kaya napakamot agad siya sa kanyang batok.

Ngumiti ako at tatanungin na sana siya ng bigla kong marinig ang matinis na boses ng isa ko pang kapatid. Nakangiti pa akong nilingon siya at unti-unti yun nawala ng makita kong iba ang kaakbayan niya!

"Ate! This is Felix. He's my boyfriend."

Lumapit ako sa kanila at hinagkan si Reese. Nginitian ko din ang kasama niya. Nagulat ako ng kunin niya ang kamay ko at halikan.

"EHEM!"

Lumingon ako sa nagsalita at kitang-kita ko ang grupo nila Yuki na nagtatawanan. Umirap ako at bumaling ulit sa boyfriend ni Reese.

"Masyado ka namang sweet, dapat sa kapatid ko lang!" pabiro kong sabi.

"Oo nga. Baka nakakalimutan mong anim kaming kapatid niyang lalaki."

Tumikhim lang ako ng marinig sa tabi ko si Yuki. Mahina ko siyang siniko dahilan para mahina siyang tumawa. Nagulat ako ng akbayan niya ako sa harap ng mga kapatid ko.

"And, this woman is mine. Kung ayaw mong mabasag yang mukha mo... at ng kapatid mo."

Kahit pabulong niyang sinabi yung huling part ay rinig na rinig ko pero di na lang ako kumibo dahil isa lang naman yan sa mga playboy lines niya.

Nagtawanan naman ang mga kaibigan niya dahil sa sinabi niya kaya wala na akong nagawa kundi pingutin siya just to shut him up. 

"Why?" nakangiti niyang sabi. "You are mine, Ma'am."

I rolled my eyes. Kailangan bang laging sabihin yan just to prove some point?

Sa'yo AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon