CHAPTER 2

115 2 0
                                    

C#2


"Uy Chard! Pakilala mo naman ako."

Abala ako sa paggawa ng lay-out ng banner para sa darating na Math Month. Naiirita na ako sa ingay ng mga 'to kaya kinuha ko lahat ng gamit ko at lilipat na lang ako sa library.

"Tam, lipat lang sa library."

Palabas na sana ako ng tawagin ako ni Richard kaya wala akong nagawa kundi lingunin sila gamit ang pinakamalamig kong aura.

"Marzia! Si Yuki nga pala.."

Malamig ko silang nginitian. "Alam ko. Zabala ka di'ba? Kilalang-kilala ko kayo," at naningkit ang mata ko.

"Of course. Sikat kami."

Pilit akong tumawa at umikot na para umalis. Pagkatalikod ko ay 'tsaka lang bumalik sa dating aura ang mukha ko. Sorry ka at naging magkamukha pa kayo ng Nathan na yun. Hindi ka makakalapit sa akin kahit kailan.

"How's school?" masayang tanong ng Witch.

"Fine. Nakakairitang makita yung mga anak mo."

Pagkasabi ko nun ay umakyat agad ako papunta sa kwarto ko. I know na magwawala na naman si Tatay dahil inaway ko na naman ang pinakamamahal niyang si Gwenn. Tss. Umupo ako sa kama at binuksan ang pentab ko para makapaglay-out na, dadalhin ko ito bukas sa school.

Natigil ako sa ginagawa ng may kumatok sa pintuan. "Zia. Dinner is ready."

"Susunod ako. Thank you," sagot ko sa Witch.

Tahimik lang akong kumakain habang masaya naman silang nag-uusap tungkol sa mga bagay na sila lang naman din ang nakakaintindi.

"You're not going home? O hanggang dinner ka lang? Your family will worry at baka masaktan na naman ang Tatay."

"Marzia!" saway ni Tatay.

"Tay, I'm just worried for them? For her sons," nilapag ko ng maayos ang mga kubyertos ko bago tumayo. "I'm done. Gagawa pa po akong homework."

Ngumiti si Tatay sa akin bago isubo ang pagkain sa tinidor niya. "That's good. Study well, anak."

"Yes Tatay," at tinalikuran ko na sila.

Humiga agad ako dahil wala naman talaga akong homework, nagawa ko na kanina sa library. Mas nakakastress pala pag laging nakikita ang mga yun. Binuksan ko ang laptop ko at nagsimulang mag-Facebook, two friend requests?

Tam-Tam Argallon

Yuki Zabala

Napangisi ako. Ang kulit ng isang 'to. Hindi ako usually na nag-aaccept ng kung sino-sino pero dahil Zabala siya.. Pwede!

Binuksan ko agad ang account niya at nagsimulang mag-stalk. Nakakainis lang at puro picture nilang kambal ang nasa wall niya. Cover photo niya din ay silang buong pamilya, eto siguro yung nag-cruise sila nung birthday nang kung sino sa kanila. Sobrang clingy ng isang 'to!

Yuki Zabala: dinner out while watching soccer!

Ilang minuto pa lang 'to ah?

Mga sanay sa luho.

Yuki Zabala: ang ganda nung transferee -feeling crazy

Yuki Zabala: ang sungit pero maganda ;)

May 53 comments ang post na 'to kaya binasa ko isa-isa ang lahat ng nagcomment.

Drekke Arellano: masungit nga.. Hahaha

Richard Ruiz: ang galing magdrawing sobra!

Yuki Zabala: teka, teka.. Ano bang pangalan niya?

Tam-Tam Argallon: Marzia White ;)

Nyek! Si Tammy naman pala ang nagsabi ng pangalan ko! Natigil ang usapan nila dun dahil na rin sa iba-iba na ang mga comment.

May nakita akong picture niyang nakaakbay sa babaeng may suot na pang-squad.

Carmela Dizon: may clingy dito! -with Yuki Zabala

Ahh.. Girlfriend niya pala yung cheerleader ng Sea Warriors. Ngumisi ako. Kung pumasok kaya ako sa buhay ng magkakapatid na 'to? Umiling ako sa naisip.

That's bullshit!

Sa'yo AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon