CHAPTER 26

46 0 0
                                    

C#26


Tinatamad akong pumasok! Sobrang bilis naman kasing nag-leak nun sa web! Ano na lang ang iisipin ng mga tao?! Lalong-lalo na ang Tatay? Pumikit ako at kinuha na ang tuwalya ko para makapagsimula na. Matatapos din naman ang issue na yun, like, wala naman akong singsing.

"Marz! May board meeting ka ng 11, wag mo ng isipin yun!"

Umirap ako ng marinig si Quen. "Shut up!"

Tinapos ko ang pagmi-make up at binitbit na ang bag ko. 

Matatapos din ang araw na 'to.

Palabas na ako nang makarinig ng mga nagtatawanan. Mukhang good mood ang kambal? Teka, teka? Parang apat 'ata ang naririnig ko? Dumungaw ako at at kamuntik ng masuka ng makita si Yuki? What the?!

"Oy Marzia! Alas-diyez na!" sigaw ni Just.

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at inirapan lahat sila. Nagtuloy lang ako sa paglabas ng unit. Pambihira talaga ang mga iyon! Di man lang makisama! Napahinto ako sa paglalakad ng maramdamang may humawak sa aking braso.

"Hey fiancé," bulong ni Yuki sa tenga ko.

Nangilabot ako! Literal! Umurong ako at mahina siyang tinulak. Nginitian niya ako at inayos ang buhok niyang nagulo ng itulak ko siya. I made a face. Nakakainis ang lalaking ito. Biro lang naman iyon at nainis lang naman ako ng laitin sila Rhia.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at iniluwa nun si Nathan dahilan para kumulubot na naman ang mukha ko.

"Hey thanks. I heard na pinagtanggol mo ang asawa ko kaya ikakasal na kayo," at nginuso niya ang kakambal.

I rolled my eyes. "Can you just shut up?"

"..and dance with me?"

I eyed Yuki at iniwan na silang dalawa doon.

Whatever.

Wala ako sa sarili buong meeting dahil pagkapasok na pagkapasok namin ng building ay inulan agad ako ng pagbati. I got scared. That was one bad publicity. Hindi ko dapat ginawa 'yon! Damn! Ano bang nasa isip ko nun?

"Marzia! Tinatanong ka ni Fernando kanina!" galit na sabi ni Quen sa akin.

Nagtaas ako ng kilay. "Anong tanong niya?"

Umurong ang bakla at tinulak ako kaya tumama ako sa dibdib ni Yuki. Kumunot ang noo ko at mabilis siyang sinampal.

"Wala ka sa sarili. Muntik ka ng umoo sa expansion na hinihingi ni Fernando," seryosong sabi ni Yuki.

Nanlaki ang mata ko. Oh my!? Matagal kong tinitigan si Yuki at ganoon din ang ginawa niya pero nauna siyang umiiwas at tinakpan niya ang bibig niya. Hala naku, ano yung nagawa ko? Tumatawang lumabas si Justin kasama si Fernando na agad tumingin sa akin gamit ang kanyang panghuli ng chics na ngiti.

"Marzia."

Nagtaasan ang mga balahibo ko dahil sa baratinong boses na narinig at agad na napatingin sa kanya.

"Yes Fern?"

Nakangiti siyang lumapit sa akin. "Can we go out for lunch?"

Nalito ako sa tanong niya at pinakiramdaman ko si Yuki kung nasa paligid pa ng bigla akong makaramdam ng kamay sa baywang ko. Bumuntong hininga ako at hindi na nag-abalang sumagot pa.

"No."

Nagsukatan ng tingin ang dalawa at umirap na lang ako. Magsasalita na sana ako ng maunahan ako ni Fernando.

"You may fool the whole world but not me, Mr. Zabala."

Yuki smirked! He showed the same devil smirked na kagaya kay Nathan. Oh-oh? Bawal mag-away dito at baka ma-issue na naman kami!

"Fool? Who is this man again?"

Nagulat ako sa tanong ng baliw na 'to at kinabahan ako sa biglang pag-igting ng panga ni Fernando. Hay naku! Pumagitna ako sa dalawa.

"You two better shut up or I'll kick your asses out of here," tumingin ako kay Yuki. "May mga empleyado!"

Tumawa si Yuki at hinila ako papunta sa tabi niya. Naiinis akong tumingin sa kanya pero kinindatan lang ako!

"Sorry. She's mine," mayabang na sabi nitong katabi ko.

Narinig ko na naman ang mga katagang iyon. Hindi ko alam kung sasaya ako o ano. Pero may bahagi sa puso ko na gumuho dahil sa mga salitang yun. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing sinasabi niya yun ay nalulungkot ako. Tinignan ko silang lahat.

"Trabaho na nga tayo!" at dumiretso na ako sa aking opisina.

Sa'yo AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon