[ Chapter 18. ]

20 4 1
                                    

[ Chapter 18. ]

Act Like ' I don't care'

Mitch's POV

Alam niyo yung mapapa nganga ka nalang to the point na parang may Live Show ang mag couple na artista sa school niyo?

Eh sa kakamadali ko nga makipag siksikan kanina sa maraming tao, maraming nagagalit sakin. Nabubunggo ko kasi sila kaya ayun!

Nagsisisi tuloy ako na pumunta pa ako dito. Sana dumiretso nalang ako sa room ko. Hinigit ko kaagad ang kamay ni Micah but bago pa kami tuluyang maka Alis, I saw in my peripheral vision na naka tingin samin Si Kurt. Totoo kaya yun? Eh bakit naman siya titingin? Siguro... Siguro parang sinasabi niyang, naka move on na siya? Ouch ha.

Kahit Hindi ko tanungin Si Micah, Alam Kong Hindi niya muna ako kakausapin dahil Alam niya ang nararamdaman ko. Pero, Hindi naman ako papayag na palagi nalang akong kino- comfort. I need to Act like I don't care.

“So, Bye na Micah? Kitakits nalang mamaya! Bye!” Ngumiti lang siya at nauna akong umalis. Malapit na rin kasi naman ang room ko. Ang masama lang, kaklase ko siya.

Pagpasok ko palang sa room, mga sariwang balita na ang naririnig ko. Ingay dito, Ingay doon. Umupo nalang ako sa dulo malapit sa bintana. Yung katabi ko namang upuan at bakante. Hayy, sana walang kusang loob ang tumabi sakin.

“Uy, Hinalikan daw ni Kurt Si Jessica? Ayiee! Sana ako nalang Si Jessica. ” Juskopo! Paano ba tumahimik ang paligid?

“Good Morning Class!” Sabi ni sir Lemuel. Nagsi tahimik naman sila, buti naman para wala na akong marinig na kung ano Anong balita.

“Okay, natatandaan niyo ba kung sino ang  Muse and Escort sa room?” Nyanyanya. Wala akong maintindihan. Wala rin akong ganang makinig.

“Sorry sir, Were Late.” Naagaw pansin ang pagpasok nila Kurt at Jessica. Tumango lang Si Sir at umupo na sila. The F! Dito talaga sa harapan ko umupo?!

“Back to the topic, Sino makaka alala sa Muse and Escort, anyone?" Tumingin lang ako sa bintana kahit Alam Kong ako ang muse. Tapos Escort Si Kurt? Isipin niyo naman ang magiging kalagayan ko.

“Sir! Sila Mitch po at si Kurt.” Ayan, ayan ayan ang sinasabi ko eh.

“Sir, pwede po bang makipag exchange partners?" Tanong ni Kurt. Oha? Siya pa nag kusang loob Diba? Feeling naman niya gusto ko siya maka partner.

“No, nakalista na kasi ang names niyo. Nakalimutan ko lang at Nasa Office na ang pangalan niyo.”

“Okay lang yan Babe. Okay lang naman sakin.” Aysus. Okay daw eh Alam ko sa loob loob niyan Nang gagalaiti na siya.

“Okay.” Sa mga sumunod na sabi ni Sir. Hindi ko na maintindihan. Hindi rin naman kasi ako nakikinig.

“Rivera.” Ano naman kaya gagawin ng Muse and Escort.

“Rivera?” Mag quit kaya ako? O kaya Hindi pumasok?

“Crystal Mitchie Rivera?!” Ayy Full name ko!! Ano daw? Bakit? Anong meron?

“Bakit?!” Sigaw ko. Ayish! Si sir pala. Yari ako nito eh.

“Why are you not listening? I have a question and answer it!” Grabe. Nakakahiya naman yung ginawa ko. Kitang kita ko pa ang pag tawa ni Jessica eh.

“Sir, ano po yung question niyo?” Nag sitawanan naman sila. Grabe!

“Kapag ikaw ay pinapili? Tanggapin ang isang bagay at kalimutan ang nakaraan o yung pagpilitan Mo ang tama Pero ayaw na niya?” ano bang klaseng tanong yan?

“Ahmm sir, Siguro mas pipiliin ko yung tanggapin ang isang bagay at kalimutan ang nakaraan. Kasi kung pagpipilitan Mo palagi ang tama Pero ayaw na niya is non sense. Kasi kung kahit isigaw Mo pa yan sa mundo kung Hindi rin naman siya makikinig sayo. Mas makakabuti kung tanggapin Mo nalang balang araw din naman tuluyan Mo ng makakalimutan ang nakaraan.” Nagsipag palakpakan lang sila at umupo na ako. Konti nalang kasi iiyak na naman ako Pero pinilit Kong huwag. Dahil makikita niya kung gaano ako kahina.

“Ver well said. Tamang tama sa Lesson natin for today. Mag de-debate kayo ngayon about sa kanina. Example yung sinagot ni Ms.Rivera. Ako nalang mag a assign kung sino ang ka- debate niyo.” Okay, paiyakin niyo pa po ako sir.

“Ms.Jessica and Ms. Dela Cruz, Mr. Lee and Ms. Rivera...” And so on and so forth. Ayos din Si Sir ah? Kay Kurt pa talaga ako pinartner.

“Let's start From Jessica and Dela Cruz.”

“Dapat piliin Mo yung Pagpilitan Mo yung tama kasi bakit hinayaan mong mawala siya ng Mali ang Nasa isip niya?” Panimula ni Jessica.

“Yun nga eh, kung pinagpilitan Mo naman eh Hindi rin siya maniniwala?” .... Natapos na sila at kami na ni?

“KURT and Mitch.”

“Bakit Mo hinayaang mawala siya ng basta basta? Dapat ipinaniwala Mo na Tama ka nga. Hindi yung hinayaan Mo lang siyang mawala ng parang bula.” Sabi ni Kurt. Teka? Bakit parang makatotohanan na yung sinasabi niya?

“Bakit ko naman ipagpipilitan pa kung kusa na siyang nawala.” Mahinang tugon ko.

“Inalam Mo ba kung ano ang dahilan niya? Sana naman naging mas kapani paniwala ang Trust Mo sakanya.”

“Para saan pa? Sinabi niya ng Ayaw niya na. Gusto niya ng  tumigil. Minsan Kailangan mong magparaya kahit Alam mong nasasaktan ka na. Kung matibay talaga  ang pag sasamahan niyo, Hindi hahantong sa hiwalayan.”

“Naniwala ka naman?”

“Bakit, Hindi ba? Edi sana pinaliwanag niya ng maayos Hindi yung nag sisinungaling siya!”

“Sana inalam Mo kung totoo nga!”

Umalis na siya sa harap  dire diretsong lumabas. Naiwan  tulala hanggang sa nag bell na.

“That's for now. You may go.” Inayos ko na yung gamit ko at nag tungo na sa Canteen.

Ano ba talaga ang dahilan Mo Kurt? Sabihin Mo naman sakin, para Hindi ako nag mumukhang tanga sa mga kasinungalingan Mo.

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

Votes and Comments are highly appreciated.

Enjoy this Chapter.

Pwede niyo rin basahin yung On- going Kong story ang Title ay The Love will lead us back.

Salamat sainyo Guys!

The Love Will Lead Us Back❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon