[ Chapter 29. ]

10 2 0
                                    

Partners

Mitch's POV

Pagpasok ko palang sa room namin, Alam ko ng nandun nandun na si Jessica. Doon mismo sa harap ng usual kong upuan. Binalak ko sanang maghanap ng available chair Kaso lahat meron na.

Bagsak balikat kong ibinaba ang aking bag at umupo. Wala pa si Prince sa katabi kong upuan, Kaya medyo bored ako. Another tiring day again. Si Micah kasi lumipat pa e.

''Potchie!'' Binaba agad ni Prince yung bag niya pagkakita sakin. Nakita kong sumilip ng pakonti siJessica Pero Hindi ko na Siya pinake alaman.

''Yow!'' Walang gana kong bati. Wala talaga ako sa mood Simula kaninang umaga.

''Bad mood?'' Nakangising tanong ni Prince. Hindi nga patanong e. Para na siyang nagsabi ng fact.

''Ne,'' (Yes in Hangeul) Nakasanayan ko ng magbanggit ng Ilang Korean words. Nasanay din naman si Prince saakin. Nung una pa nga Sabi niya minumura ko daw siya. Nagtatanong kung Anong meaning nacucurious daw siya Tapos ayun Alam niya na. Haha.

''Okay class, Good Afternoon!''  Magsasalita pa sana si Prince ng dumating yung adviser namin.

''Ngayon na tayo mag brain storming about sa gaganaping pageant ng muse Ang escorts every sections. Ms. Rivera and Mr. Lee are the participants.'' Mas lalo pa akong na-bad trip sa narinig. Lumalayo nga ako, yung tadhana naman ang nagpapalapit.

''Anong balak natin? We have to be prepared. Anyways, nagpakuha narin ako ng mentors para sa dalawa. About naman sa susuotin niyo, meron na ba? If no, then Pwede akong mag-provide,'' Wala akong ganang nagtaas ng kamay. Hindi ako excited Pero kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Ayaw ko man, Pero Ayoko ring madissapoint nag mga kaklase and even my adviser.

''Sir, okay na po yung sa akin. Nasabi ko na po Kay mommy,'' Simula nung naging muse ako, sinabi ko na iyon Kay mommy. Tuwang tuwa siya 'non. Sabi pa nga niya, magpapatahi na daw siya ng damit ko para sa long gown. Nagpatahi na rin siya para sa sports attire ko.

''Good. How about Mr. Lee? Nasa hospital pa din ba siya? Malapit na ang pageant.'' Tumingin ako Kay Jesica pagkatanong ng adviser namin.

''Gising na si Kurt kanina lang umaga. I think okay naman na siya.'' Simpleng sagot nito. Tss, Walang galang. Akala naman niya siya si Kurt para makapagsabing okay na siya.

''Well settled na pala ang section natin. Kayo namang Hindi kasali ay gumawa ng paraan para masuportahan Sila. Like banners and stuffs.'' Nag yes naman ang mga classmates ko at Doon dinismiss ng adviser namin ang klase.

''Good luck, Potchie,'' Inakbayan ako ni Prince at sumunod sakin palabas ng room. Hinayaan ko naman siya dahil tinatamad din akong alisin iyon.

''Salamat. Nga pala, mamaya pupuntahan pa ba natin si Kurt? Tutal nagising naman na pala siya?'' Tanong ko Kay Prince.

''Ikaw Bahala. Gusto mo dalawin mo lang Tas uwi ka na?''

''Sige, ngayon nalang tayo dumalaw Tutal Tapos na yung klase natin. Daan nalang muna tayo sa Mart para makabili ng pwedeng ibigay Kay Kurt.'' Tumango Lang siya at iginaya niya ako sa kotse niya. May driver license na pala 'tong mokong na ito ' Di nagsasabi.

''Haha, matagal na akong May lisensya Bago pa magsimula ang pasukan. Regalo ni mama yung kotse,'' Natatawang Sabi nito. Nakasimangot kasi akong sumakay kanina, nahalata niya siguro.

*

Nakarating Kami sa mart at kasalukuyang namimili ng mga prutas. Kumuha ako ng 5 apples at 5 oranges. Kumuha naman si Prince ng ubas at mangga. Okay na siguro ito. Pumunta na kami sa cashier, at inabot nag Bayad. Nag insist ako Kay Prince na ako nalang magbabayad Kaso makulit siya Kaya ayun, siya ang nagbayad.

Sumakay na kami sa kotse bitbit ang mga prutas. Wala pang 15 minutes ay nakarating na kami sa hospital kung nasaan si Kurt. Sumakay kami ng elevator at isasara na sana ito ng humabol si Jessica. May Dala din itong mga prutas.

''Pupuntahan niyo ba si Kurt?'' Tanong ni Jessica.

''Yes,'' Maikling tugon ko. Napatingin naman siya sa bitbit kong mga prutas na nasa basket.

''Ako nalang magbibigay sakanya niyan,'' Sabi nito at pilit inabot yung basket.

''No need. Pupunta din naman kami dun.'' Singit ni Prince. Hindi naman nakaimik si Jessica Hanggang sa nakarating na kami sa floor kung nasaan si Kurt.

Nauna kaming lumabas ni Prince at kasunod naman namin si Jessica. Huminto kami sa tapat ng room ni Kurt. Actually, nagdadalawang isip ako. Paano Kapag isipin ni Kurt na gusto ko pa siya? Dahil sa pagdalaw ko? Aish! Wag assuming dai.

Kumatok muna ako Bago binuksan yung pinto. Naabutan ko siyang nakatingin lang sa pinto na parang nag aantay kung Sino nag papasok.

Pumasok kami ng tuluyan sa loob ng Walang imikan. Binasag ni Jessica nag katahimikan at tumingin sakin.

''Kurt, nandito Sila para ibigay yung prutas. Aalis din daw Sila pagkabigay,'' Sabi ni Jessica. Tumingin naman sakin si Kurt Pero saglit lamang at tumingin sa basket na hawak ko.

''Ah ito pala, Kumain ka,'' Yun lang ang nasabi ko Pero Hindi man lang Ginalaw ni Kurt iyon. Inilapag ko ito sa lamesa at hinila na si Prince.

''Bro, pumasok ka Na. Magaling ka na pala. Pahiga higa pa.'' Pahabol ni Prince bago tuluyang makalabas.

Bumuntong hininga ako nang nasa elevator na kami. Parang pinigilan ko yata yung hininga ko kanina sa sobrang kaba. Baliw tong paang to!

''Ba't mo sinabi 'yun? Baliw ka,'' Tanong ko Kay Prince ng bumukas ang pinto ng elevator hudyat na nasa lobby na kami.

''Wala lang, andami niyang arte e.'' Kaswal na sagot nito. Pinalo ko siya sa tiyan niya ng mahina tapos tumawa. Tumawa din siya at lumabas na kami.

Hanggang sa makauwi Ay lutang ang aking isip. Hindi ko nga namalayan na nasa bahay na pala ako kung ' Di pa ako kakalabatin ni Prince. Nag thank you lang ako sakanya at umalis na siya.

''Iha, nandito ka na pala,'' Sabi ni Manang. Nakita ko siya malapit sa gate at hinihintay akong lumapit.

''Opo, Manang.'' Ngumiti ako habang naglalakad papunta Kay Manang.

''Tara na at Kumain. Naghanda ako ng maraming pagkain.'' Sabi nito ng tuluyan akong makalapit Sakanya.

©®©®©®©®©®©®©®©®©©®

Dalawang update para sainyo <3 lablab.

Votes and comments are highly appreciated <3
-jezzcepeda22

The Love Will Lead Us Back❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon