[ Chapter 23. ]
(A.N - Not edited po ito. Rush lang po.)
Who I Trust?
Mitch's POV
Kahit nagpaliwanag na sakin Si PAA kahapon eh Hindi ko pa rin talaga Alam kung sino ang paniniwalaan ko. May nagsasabi kasi sakin na bigyan ko din ng chance Si Kurt mag explain. Kahit papaano naman eh may pinagsamahan kami.
Kay PAA naman kasi, sabi niya TRUST ME daw. Eh kahapon ko nga lang nalaman na may Ex Girlfriend pala siya? Kaasar lang?
"Ms.Rivera?" Nagulat nalang ako ng may kumalabit sakin. Yung Nasa likuran Kong classmate.
"Ahh, Yes ma'am?" Tanong ko sa Teacher namin. Nasa corridor siya ng tinawag ako kaya kailangan pang lumabas.
"Tawag ka pala ng Principal. Don't worry, Excuse ka na kahit Anong oras kayo matapos." I just nod and say thank you at umalis na. Buti nalang excuse ako. Hindi pa kasi ako tapos sa Exam namin kahapon kaya continuation ngayon.
Nasa tapat na ako ng pinto ng Principals Office at kumatok na. Kahit papaano ay nahihiya parin ako sa principal kahit na Tita ko yung may ari. Kailangan din ng galang no?
"Come in." Sabi ng Principal sa loob.
"Ahmm, Ma'am.. " Di niya na ako pinatapos at nagsalita na agad.
"Just call me Tita Santiago. Too formal pag Ma'am. Para namang di tayo magka mag anak niyan." She chuckled. Natawa nalang din ako at umupo sa may tapat ng table ni tita.
"So back to the business achurva. Ang Chinese Group of Exam Test ay nagbigay ng chance para sa paaralang ito upang maipakita ang inyong kagalingan. So I was saying na ikaw ang Napili ko para dun. Kahit Hindi ka na mag test dahil Alam ko namang may Alam ka na sa Chinese language and culture or traditions. Dapat dalawa kayo ng Salutatorian kaso tinaggihan niya. Kaso, bawal mong tanggihan kasi nakakahiya naman kung wala kaming representative Diba? Nakausap ko na ang parents Mo para dito. Pumayag naman sila kaso ang gusto nila ikaw mag decide. Lahat ng papeles Mo okay na. May Extra money naman kaming ibibigay para sa mga pangangailangan Mo sa China. At Ang tawag pala dun ay exchange students. Kung ikaw ang lilipat, may kapalit Karin na lilipat.Pati passport Mo ay ready na rin so Bali gamit Mo nalang at ang pagpayag Mo. 2 years ka lang naman doon at babalik Karin. Sayang naman kasi ang opportunity. So ano?"
Napanganga nalang ako sa sinabi ni tita. Hanggang ngayon nag pa- processing pa sa utak ko lahat. Opportunity talaga to at pangarap ko talagang makapunta sa China. Kaso nangangamba ako para sa mga maiiwan ko dito. Si Micah, Si PAA, Si K--kurt at marami pa. Ahhh! Basta bahala na ako sa mga mangyayari. Kailangan Kong tanggapin ang magiging kalabasan ng desisyon ko.
"Maam ay este Tita Santiago. Sorry po Pero di ko po matatanggap iyan. Alam ko pong opportunity ang naghihintay sakin sa China Pero Hindi ko po kayang maiwan ang mga kaibigan ko at mahal sa buhay. Sa totoo din po pangarap ko din naman po talagang makapunta sa China Pero Sorry po talaga." Huminga ng malalim Si tita Sabay iling.
"Yeah, I expected naman eh. Hindi ka parin talaga nagbabago. So well, kung yan talaga ang desisyon Mo. It's okay. Kahit na maraming idol Mo na artista dun di ka parin talaga pupunta. Hayy." Medyo natawa naman ako sa sinabi ni tita. Tumayo na kami pareho at nag vow sa isat isa. Grabe ang hirap talaga kapag ikaw na ang nag dedesisyon.
"So, This is goodbye and see you again?" I nod and nag thank you na. Umalis na ako at dumiretso muna sa garden.
Kailangan Kong maging handa sa naging desisyon ko. Alam Kong di naman maiiwasan ang magkamali ka sa pag dedesisyon Pero yun talaga ang sinasabi ng puso ko. Wala rin naman akong dapat takasan dito sa pilipinas na problema. At natututo naman ako ng maayos dito.
"Well, parang ang lalim yata ng iniisip Mo? Tungkol ba yan sa napag usapan niyo nung principal?" WTF! Si Kurt? Bakit siya nan dito? Diba dapat Nasa klase siya?
"Tapos na ang klase Mitch." Paano niya nalaman yung Nasa isip ko? Mind reader ba ito?
"Hindi ako mind reader." Eh mukhang nga siyang mind reader eh. Obvious ba ako masyado?
"Oo." Tingnan mo to.
"Ano bang pinag usapan niyo at ganyan kalalim ang iniisip Mo?" Hayy. Yan nanaman eh, kinakalimutan ko na nga sa utak ko yan.
"Ahh wala lang to. May iniisip lang ako. Hindi naman to tungkol sa napag usapan namin ng principal."
"Eh ang lalim naman kasi masyado ang iniisip mo." Tumahimik nalang ako at itinuon ang pansin sa may paru paro na lumilipad malapit sakin. Color red ito at may konting white. Red? Red means love. white means Kindness and purity.
"Ang ganda naman." Sabi ni Kurt. Nakatingin siya sakin tapos bigla nalang titingin sa may paru paro.
"Ahh oo nga eh." Habang inilalatag ko sa ere ang daliri ko upang makapatong ang paru paro.
"Kasing ganda Mo." Ano daw? Kasing? Binulong niya kasi yun kaya di ko masyadong narinig. Parang asdfghjkl yung sinabi niya eh. Ayy Ewan!
Lmipad na papalayo ang paru paro at narealize Kong magkatabi kami ngayon ni Kurt at nag uusap. Wala namang masama na mag usap kami kaso ang awkward. You know yung past. Hindi parin kasi masyadong humihilom ang sakit. Ang sakit kaya? Parang dinurog ang puso ko non. Pinag laruan lang daw niya ako. Funny right?
"Galit ka parin ba sakin,Mitch?" Parang lahat ng dugo ko napunta sa puso ko pagkasabi niya nun.Hahaha! Nagpapatawa ba siya? Pagkatapos Nang ginawa niya Hindi ako magagalit? Ano ako robot? Walang feelings? Ang sakit kaya na sabihin ka ng kesyo Hindi niya daw ako totoong mahal. Pinaglaruan lang daw niya ako. At wala daw dapat akong maramdaman sakanya. Gag* ba siya?
"Ano sa tingin Mo Kurt? Masaya ako? Masaya ako na sinaktan Mo ako? Masaya ako na ginag* Mo ko? Tao ako Kurt! Hindi ako robot para Hindi masaktan. Kung sa tingin Mo naka move on na ako pwes nagkakamali ka. Hinding Hindi ko yun makakalimutan at hinding Hindi kita mapapatawad."
Tumayo na ako at aalis sana kaso hinawakan niya ako sa braso ko.
"Hindi Mo man lang ba papakinggan yung side ko?" Naiinis na talaga ako dito!
"Hindi Mo ba ako maintindihan? Hindi ko na kailangan ang side mo kung pinaramdam Mo na sakin lahat. Wala ng kwenta yan Kurt." Hindi ko namalayang naluluha na pala ako.
"Kahit na sabihin Kong napilitan lang ako at Hindi ko gusto ang nangyari?" Natigilan ako at napahinto. Kinuha ko yung braso ko mula sakanya na hawak niya kanina at humarap.
"Kung ayaw Mo Hindi Mo gagawin Kurt. Kung Hindi Mo gusto ang nangyari EDI sana pinaglaban Mo. Bakit Mo hinayaan? Kasi GUSTO MO. Kung napilitan ka lang sana tinanggihan Mo nung una palang. Kung mahal Mo talaga ako noon, Hindi Mo magagawa sakin yun at pinaglaban Mo. Sayang nga eh kung pinaglaban Mo sana ako EDI sana Sabay tayong lumaban noon. Sana tayo parin hanggang ngayon. Sana hinarap nating dalawa ang mga pagsubok. Kaso wala eh, ikaw na mismo ang bumitaw. Wala na akong magagawa dun. Learn from your mistake Kurt. Sana may natutunan ka... sa gayon,Hindi ka makakasakit ng iba."
👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👇👇👇👇👇👇👇👇👇👇👇👇
Hope you like it!
-Jezzcepeda22
BINABASA MO ANG
The Love Will Lead Us Back❤
Teen FictionThe Love will lead us back together again. A Love story that will make us again. A love story that will make me cry a thousand times But Love will make me realized that I can smile a million times Love can make us hurt like Hell. Broke and also p...