[ Chapter 19. ]

22 4 0
                                    

[ Chapter 19. ]

    Umasa ka naman? 

Jessica's POV

“Ano, nakita niyo na ba Si Mitch?” Sigaw ko sa walang kwenta Kong alipores.

“O-opo. Nasa canteen daw siya.”

“Good. Gawin niyo na yung plano.”  nagsi tango lang sila at umalis na.

My plan is already starting. Humanda handa ka na Mitchie, umpisa parang ang dinadanas Mo ngayon.

👅👅👅👅👅👅👅👅👅👅👅👅👅👅👅👅👅👅👅👅👅👅👅👅

Mitch's POV

Nandito ako sa canteen at kasalukuyan akong kumakain mag isa sa two seater table. Nang may biglang lumapit na isang babae. Siguro mga 1st year college din ito. Base sa suot niyang uniform.

“Hi, Mitch!” Bati ni ate sakin. Kilala niya ako? Umupo siya kaharap ko at naka ngiti sakin.

“Ah, Hello?” Nag aalinlangan Kong sagot. Hindi ko kasi siya kilala.

“Ako nga pala Si Justine. Bago lang kasi ako dito. Pwede Mo ba akong samahan sa Girls Bathroom? Naliligaw kasi ako at kanina pa ako paikot ikot.” Eh bakit siya napadpad sa Canteen at kilala niya ako?

“Ahh, paano Mo nalaman name ko?” Yan nalang ang tinanong ko kasi baka naman napunta lang siya dito kasi kanina pa siya paikot ikot

Tinuro lang niya yung ID ko at may Name and section. Boplogs ka talaga Mitch! May ID ka kaya! Kaya niya nalaman.

“Ano? Pwede Mo ba akong samahan?” Ngumiti ako at tumayo na. Tapos na rin naman kasi ako sa kinakain ko.

“Sige!” Nasa 1st Floor lang naman yun kaya okay lang sakin. Maya Maya pa naman yung next subject ko eh.

“Dito lang yun oh!” Tinuro ko sakanya tapos napalingon naman siya agad.

“Ayy! Andito lang pala yun? Hahaha.”

“Pwede bang samahan Mo ako sa loob? Meron kasi ako ngayon. You know monthly due. Hahaha!” Na wi weirduhan ako dito sa babaeng to. Promise.

“Okay?” Pumasok na siya sa isang cubicle at ako naman sa other side ng cubicle na pinasukan niya. Ako lang yung taga abot sakanya like tissue and etc.

Inaabot ko ngayon yung ano niya. Napkin. Sorry sa word. Kaso walang kumukuha.

“Justine? Eto na yung ano oh!” Kanina ko pa siya tinatawag kaso wala talagang kumukuha. Lumabas ako ng cubicle at chineck kung nandun pa siya. Kasi, WTF?! NAWALA SIYA?!

Chineck ko pa yung ibang cubicle Pero wala talaga siya. Anak ng tipaklong?! Saan yun pumunta?

Lalabas na sana ako kaso ayaw mabuksan nung pintuan palabas. Hala?! bakit  naka lock? Baka naman Si Justine yung may gawa nito? Hala ang samata naman. Paano na to?

Kinuha ko yung cellphone ko sa bag at tinawagan Si Micah.

[ Hello? Mitch! Mamaya ka nalang  tumawag! Nag tetest kami ngayon. Sorry Sissy! Bye!]

The Love Will Lead Us Back❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon