[ Chapter 25. ]

11 2 0
                                    

Hermione Joy Alexis

Micah's POV

Nagising ako sa liwanag na tumama sakin ngayon galing bintana. Hayys, another day. Tumayo na ako at ginawa ang morning rituals. Nang bigla Kong maalala ang nangyari kagabi.

“Nakakainis yun, kala mo kung sino makaasta. Eh naging bakla nga siya 'di ba? Hindi as in bakla pero nagpanggap pa din siya. Tapos ang yabang yabang pa. Niyakap pa nga niya 'ko kagabi dahil binigyan ko daw siya ng payo, tapos ganon ganon lang? Grrr!” Para na akong batang nag susumbong dito sa sarili ko sa reflection ng salamin habang nagsusuklay.

“Tapos sabi niya ang sexy ko daw? Bakla nga yata yun eh! Bakit? Kasi parang alam na Alam niya kung ano Yung sexy sa isang tao. Ah basta! Ayoko na lumapit sa baklang 'yun. Hindi katiwa-tiwala.”

Bumaba na ako para kunin Yung baon 'ko. Alam niyo naman na di ako kumakain ng almusal. Tinignan ko muna Yung wrist watch ko. Ang aga pa pala. Balak 'ko pa naman sanang sumabay Kay Nathan kaso 'diba? Sabi ko lalayuan ko na siya? Kaya 'di pwede. Na ah!

So mag co-commute ako ngayon. No choice naman eh. Nandito na ako sa may sakayan ng taxi habang nag aantay ng may masasakyan.

Hanggang sa may nakita akong parang pamilyar na kotse. Ayy! Yung Kay Nathan nga! Pero bakit ang aga niya ngayon e alam ko namang mamaya pa Yung klase namin. Ako naman trip ko lang talaga pumasok ng maaga. E baka siya rin trip niya.

Pero 'teka? May kasama siya? Babae tapos maputi, maganda, kulot na blonde ang buhok at katamtamang tangkad. Parang artista! Samantalang ako, maputi, cute LANG tapos matangkad tapos straight ang buhok. Wala man lang ka make up make up.

Hayyys! Bakit 'ko pinag cocompare Yung sarili ko sakanya? Stand Up lang Micah. Hindi ko namanlayan na may kotse pala sa  harapan ko and guest what? Si Nathan.

Naka dalawamg beses na pala siyang bumusina. Pero ano namang balak nito?

“Hey! Wala ka ba talagang balak na sumabay? Mag iinarte ka pa dyan ikaq na nga lang isasabay.” Sabi niya ng makalabas siya ng driver seat. Napaawang nalang ako tyaka sumunod sakanya. Balak ko pa sanang dumiretso sa Passenger seat. Bubuksan ko na nga Yung pinto eh, nang naalala Kong may kasabay pa pala siya.

Sumakay na ako sa BACK SEAT ng nakakunot ang noo. Bakit kaya ako sinabay nito? Hmmp! Bahala siya diyan. Kala niya ba bati na kami? Manigas siya dyan!

“Hi!” Masayang sabi nung kasama niya habang nakaharap ngayon sakin. Ang ganda niya talaga para siyang Angel.

“Ahh, Hello.” Ngumiti ako sakanya.

“Ako si Hermione Joy Alexis. Nice to meet you!” Masigla niyang pagpapakilala.

“Ako si Micah Lorraine Alonzo. Nice to meet you too.” Pagkatapos Kong sabihin yun napatingin ako Kay Nathan na nakatingin din saming dalawa sa rear view mirror.

“Ahh ikaw pala Yung laging naki- kuwento sakin ni Nathan. Ang ganda mo Micah!” Big Word! Ako maganda?

“Anong nakukwento? Tyaka ikaw nga tong maganda eh.” Tumikhim lang si Nathan kaya napabalik sa pwesto si Hermione.

“Si Hermione ang kaibigan ko before Micah. Ka age mo lang siya pero ngayon magiging school mate pero 'di ko pa alam ang section niya dito sa Howell's.”

So dito na nga mag aaral si Hermione.

“Ayy, sana makalabas tayo paminsan minsan Micah para naman magkakilala naman tayo ng husto. And Also gusto kita maging friend eh. Okay lang ba sayo?” Bumaling ang tingin ko Kay Nathan bago sumagot.

“Oo naman.” Masayang sabi ko. Childish siya kagaya ko kaya alam ko na magkakasundo kami.

“Hermione sumama  ka nalang sakin mamaya. Ipapakilala kita sa kaibigan ko. Tiyak magugustuhan ka 'nun.” Lumingon sakin si Hermione tyaka biglang nag Yehey! Ang cute niya talaga.

“Nandito na tayo.” Lumabas na si Nathan pagkatapos niyang mag park. Binuksan niya Yung sa passenger seat kaya akala ko at pagbubuksanan niya din ako ng pinto.

“An, wala kang balak bumaba? Sabihin mo lang para mai lock ko na Yung kotse ko.” What?! Akala ko talaga pagbubuksan niya ako mg pinto. Bakit kasi ako nag assume?Inis Kong binuksan Yung pinto kasabay nun ang pagalit Kong pagsara nito

“Bahala ka sa buhay mo! Tara na Hermione puntahan na nation Yung kaibigan ko. Bahala na dyan Yung bak-- bakulaw na yan!” Muntik ko bang masabi na bakla kuno  Nathan buti nalang napalitan ko kaagad.

“Saakin sasama si Hermione. Sumabay nalang naman bakit mo kinukuha sakin si Hermione?” Nakangising tanong niya.

“EDI wag! Huwag na Huwag kang lalapit sakin Nathan ha! Wala na akong ugnayan sayo pati yang malupit mong sikreto!” Umalis ako ng padabog at nakanganga si Hermione.

“Teka Micah!” Pagpipigil no Hermione pero nag dirediretso na ako. Habang maaga pa at pumunta muna ako sa may Vendo Machine para bumili sana ng gatas pero kape nalang ang naabutan ko.

Hindi talaga ako nag kakape. Pero tinry ko pa din. Naiinis pa din kasi ako Kay Nathan. Naka ilang minuto palang ako pero naubos ko na Yung isang cup of coffee. Kunuha ulit ako at  ininom ulit. Nang maubos ko ito at kumuha ako ulit para dalhin hanggang sa room. Maaga pa naman kaya may panahon pa ako para maubos yun. Hindi ko nga akalain na makakatatlong cup na kape ang maiinom ko ngayon eh first time ko pa naman. Nakakadala lang ng inis. Sana Hindi into makasama sa kalusugan ko.

Pumasok ako sa room habang iniigop 'to. Sinalubing naman ako in Jasmine sabay tanong.

“Akala ko ba di ka umiinom ng kape? Anyare bes?” Si Jasmine at is a din sa close ko dito.

“Ayy wala 'to dala ng stress kaya napainom ako. Okay lang naman yan eh.” Umupo na ako sabay tuluyang inubos ang kape. Itinapon ko muna sa may gilid ng bag ko dahil sabi daw nila ay paparating na ang prof namin sa Health.

“Good Morning class!” Pagbati saamin no Prof kaya binati naman namin ito pabalik.

“So about drinks ang topic nation today after discussion meron tayong short quiz so sinasabi ko na sainyo kung gusto niyong mag take note at mag take note at making ng mabuti. 5 minutes review then quiz agad.

“So about our drinks. Sino dito ang madaming water ang iniinom everyday?” Madaming nag taas pero Hindi ako kasali dun. Dahil puro milk lang ang naiinom ko tapos uminom pa ako ng kape kanina.

“So about sa Hindi masyado umiinom ng tubig dyam uminom na kasi delikado para sa kalusugan. Kailangan bang Matawan natin ang tubig. Kaya magugulat nalang kayo kapag mahimatay kayo bigla dahil Hindi kayo masyadong umiinom ng tubig.”

“Sino den dito ang umiinom ng Kape?” Lahat ng kaklase ko at nag sitinginan sakin. Bakit? Kanina lang naman ako uminom ha?

😉😉😉😉😉😉😉😉😉😉😉😉😉😉😉😉😉😉😉😉😉😉

Votes and Comments are highly appreciated!

-jezzcepeda22

The Love Will Lead Us Back❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon