Micah's POV
Lahat sila nakatingin sakin na parang sinasabing, "Hala ka, Micah!" Yung mga ganong tingin. Eh kanina lang naman ako uminom ng kape ah?
"So, Ms. Alonzo mind if you take some time to go to the clinic. Hindi maganda yan sa kalusugan," Pagpapaliwanag ni Sir.
"Ahh, sir mamaya nalang po after discussion. Baka po may ma-miss akong lesson," pagsalungat ko sa sinabi niya.
"Are you sure?" He asked. I just nod and he continue to teached.
After the discussion...
"5 minutes for review, I just need to get your test papers in the office." Nag review na ako sa mga sinulat Kong notes habang nag di-discuss si Sir.
Pagkatapos ng huling pagkakabisado ko ay saktong dumating si sir dala ang test papers.
"Keep all your notes. Ballpen and a One sheet of paper are the only thing I want to see in your table, get one and pass." Paliwanag ni Sir, ako naman ay hinanda na ang gamit.
"Answer it in only 30 minutes anyway its just 60 item test, easy lang yan." Pagpapagaan ng loob ni sir. Aysus, malamang sa malamang alam na ni sir yung sagot eh kaya syempre easy lang para sakanya. Hayys. People nowadays, Charot!
Sagot, Answer, Sagot...
Read, think, answer, re-check....
Checking, checking, checking...
Natapos na ako magsagot pagkatapos ng 25 minutes at may 5 minutes pa akong natitira. Madali lang naman talaga kung nag review ka. Tiningnan ko Yung katabi ko at nakita Kong tapos narin siya magsagot. Tumingin din siya sakin pero naka smirk lang siya.
"Hoy! 'Wag ka nga mangopya diyan!" Sigaw niya kaya alam Kong nasa amin na ang buong atensyon. Pati nga si prof nakatingin rin eh. Psh attention seeker.
"H-indi ako nangongopya," pagsasabi ko ng totoo. Ang galing niya magsinungaling e no? Kaasar ~
"Ms. Alonzo and Mr. Dela fuerte, is everything alright?" Sir asked.
"Sir, nangongopya po kasi si Ms. Alonzo!" Nagulat ako at tumingin Kay sir na parang nagmamakaawa na huwag siyang paniwalaan. Wala kang matibay na ebidensya!
"Sir, Hindi po! Tumingin lang ako sa bintana tyaka tapos na po ako magsagot." Tumingin ako sakanya ng nakakaasar at siya namay ngumiti lang ng nakakaloka.
"Pass your papers the two of you and go to the Dean's Office, Now!" Nagulat ako sa sinabi ni sir kaya naman kinurot ko sa binti si Nathan. Bwïsit yun! Nadamay pa ako sa kaharutan niya!
Tatayo na sana ako para pumunta sa Dean's office ng makaramdam ako ng pagnginginig. Hindi rin ako makagalaw o makapag salita lamang. Natanaw ko si Nathan na nasa labas ng room papunta sa office ng dean kaya Hindi ko siya matatawag.
Napaluhod ako sa sahig at hinawakan ang dibdib ko. Hindi ako makahinga! Lumuluha na ako ngayon at humihingi ng taong makakakita sakin ngayon at tulungan ako pumunta sa clinic pero wala... Then everything went black...
***
"Ano ba ang ingay nito mamaya magising si mixy ko eh! Huwag kang magulo Nathan! Magigising din yan eto naman alalang alala." Nagising ako sa ingay na naririnig ko sa kwarto ko. KWARTO?
"Anong nangyari?!" Yan ang binungad ko paggising na paggising ko. Nakita ko si Jasmine at Nathan na nakatayo Hindi malayo sa hinihigaan ko at halata mong nagbabangayan sila.
"Ba-bakit ako nandito?" Tumingin ako Kay Jasmine at Kay Nathan na may pagtataka.
"Hindi mo ba naalala?" Inalala ko naman ang nangyari sakin kanina nang tanungin ako ni Jasmine.
"Ahh... Kape?" Yun lang kasi talaga ang naalala 'ko bago ako mapunta dito sa, wait sa clinic?
"Bakit ako nasa clinic? Jasmine?" May pag aalala Kong tanong.
"Hayys, Ganto kasi 'yon. Uminom ka ng tatlong cup of coffee na Hindi ka naman pala sanay then 'yun! Nahimatay ka. Buti na nga lang e nakita ka kaagad ni Nat Nat mo!" Nalito ako sa sinabi niya tapos tumingin ako Kay Nathan. Ang mga titig niya... Parang nag aalala. At Mali! Hindi siya nag aalala no? Like duh~ Siya mag aalala sakin?
"May I excuse the three of you, huwag ka munang papasok Micah to your next class Hindi pa kaya ng katawan mo." Paliwanag ni nurse Joy. Yung nurse na pinagkakatiwalaan ng lahat dito sa campus dahil mabait na mabuti pa.
"Yes, at uuwi 'ka na 'rin sa bahay niyo kesa naman nandito ka wala 'karing magagawa." Nakatitig sakin si Nathan habang sinasabi 'yun. Ano siya tatay ko?
Umalis na si Nurse Joy kasama si Jasmine dahil may next class pa daw siya ngayon. Ewan 'ko nalang sa isang 'to.
"Kaya mo bang tumayo dyan?" Tanong ni Nathan. Lumapit siya sa hinihigaan ko at chineck kung makakatayo ako. Kinuha niya ang kamay ko at dahan dahang inangat para maalalayan.
"Kaya ko naman. Ikaw maghahatid sakin?" Pagtanong 'ko rin. Syempre 'no 'di kami close. Tyaka assuming ako, Malay mo tatawag lang siya ng uber or grab.
"Hindi. Si Jasmine." Pilosopo niyang Sagot. Kapal naman ng face! Malay ko ba kung siya ang maghahatid Diba? Wala naman siyang sinasabi eh. Tyaka Malay mo may next class pa siya, baka sabihin niya kasalanan ko pa ang di niya pagpasok.
"Huwag na! No thanks. Magpapasundo nalang ako Kay manong kesa naman sayo. Bastos na pilosopo pa." Tinarayan 'ko lang siya habang dumidiretso sa pintuan.
"Tsk!" Sigaw niya at nauna na lumabas. PSH, bahala siya dyan. Hindi siya kawalan. Kita niyang nasa pintuan ako tapos uunahan niya ako, bastos talaga.
Tinatawagan 'ko ngayon si Manong pero Hindi siya sumasagot. Naka 13 missed calls na ako pero wala pa rin.
So paano na akong ngayon dito? For Pete's sake! Masakit ang katawan ko tapos tatayo lang ako habang buhay? Naghanap hanap lang ako sa contacts 'ko pero Alam Kong lahat sila nasa oras ng klase ngayon.
"Need my help?" Napatingin ako sa likod 'ko ng may magsalita. Si Nathan lang pala akala 'ko naman kung sino.
"No!" Sigaw ko. Alam ko naman na aasarin lang ako nyan eh. Lalo na sabihin pa niya na maarte ako.
"Dami pang Alam. Get in!" Wala na akong nagawa pa kundi sumakay nang pagbuksan niya ako sa passenger seat. Wala nang choosy choosy kapag ganito a g kalagayan mo.
"Pero paano Yung klase mo?" Tumingin lang siya sakin at umikot na papuntang driver' seat. Tumingin lang siya sakin. Tumingin...
"I have my ways." Sabi niya sabay wink. Pinaandar na niya Yung kotse at tumingin sa harap. Yack~
"Ikaw ba nagdala sakin sa clinic?" Hindi ko mapigilang itanong. Syempre kung siya man papasalamatan ko kahit papano. Kung wala siya baka eh kung ano nang mangyari sakin.
"Find it on your own." Lakas din sumagot ng tama no? Oo o Hindi lang Eh. Kung gusto niya talaga sumagot, bakit kailangan pang pahabain eh oo at Hindi lang naman ang tang sagot. Hayys.
Hindi na ako nagsalita pa at tumingin lang sa bintana. Maya Maya pa nasa tapat na kami ng bahay. Nag 'thank you' lang ako at umalis na. Hindi 'ko na siya niyaya pumasok sa loob dahil wala naman akong balak. Si sissy kasi nasa school wala tuloy akong magawa ngayon.
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
Votes and comments are highly appreciated.
-jezzcepeda22
BINABASA MO ANG
The Love Will Lead Us Back❤
Fiksi RemajaThe Love will lead us back together again. A Love story that will make us again. A love story that will make me cry a thousand times But Love will make me realized that I can smile a million times Love can make us hurt like Hell. Broke and also p...