[ Chapter 30. ]

4 2 0
                                    

Micah's POV

Nasa loob ako ng cafeteria ng matanaw ko si Mitch. Kasama niya si Prince habang papunta dito. Hindi pa niya yata ako nakikita, palingon - palingon pa siya sa buong cafeteria.

"Mitch!" Lumingon siya saakin at biglang ngumiti.

Kasama ko nga pala si Bakla ngayon. Umupo si Mitch sa bakanteng upuan sa katabi ko. Sa tabi naman ni Mitch si Prince. Nasa harap ko kasi si Bakla e.

"Musta, test?" Tanong ko habang pataas taas ang kilay. Ngumiti naman silang dalawa ni Prince at Mitch. Ano meron?

"Ayos na ayos kay Mitch. Perfect pa." Proud na pahayag ni Prince.

"Nays naman. Buti nalang lumipat ako ng section haha." Natatawa kong sabi. Umirap naman sakin si Mitch. Nagkwento kasi siya sakin kagabi sa video call namin. Sabi niya maliban daw kay Prince, wala na siyang makausap doon. Paepal pa nga daw si Jessica.

"Okay lang yan sissy. Lab mo naman ako." Binatukan niya ako pagkasabi ko 'non. Aba! Batukan ba naman ako? Ano 'di niya na ako lab?

"'Di mo na ako lab ah. Kunwari ka pa na gusto mo kong kausap!" Siniko ako ni Nathan pagkasabi ko. Ayy oo nga pala nakalimutan ko siya haha.

"Ang arte mo Micah!" Saway sakin ni Nathan.

"'Wag ka nga mangealam dyan!" Kinurot ko naman si Bakla sa tagiliran. Nakamasid lang saakin sina Mitch. Ngumiti lang ako sakanya sabay kurot pa ng malakas kay Nathan.

"Sige, maglandian muna kayo dyan. Babalik na kami, may klase pa kasi." Sabi ni Mitch.

"Sige! Babatukan ko pa 'to si Nathan e!" Nag flying kiss lang ako kay Mitch at tumawa naman siya. Umalis na sila habang kami ni Nathan nagbabatukan pa.

"Bakla! Tumigil na, ang arte mo talaga!" Sigaw ko sakanya. Dali naman niyang tinakpan yung bibig ko pagkatapos kong sumigaw.

"Ano ka ba? Hindi ako bakla, gusto mo patunayan ko sa'yo?" Napahinto naman ako sa sinabi niya. May patingin tingin kasi siya sa labi ko e. Hindi ako assuming 'no, nag lip bite pa nga ang loko.

"Ewan ko sa'yo!" Umalis ako ng cafeteria at siya naman ay naiwang baliw. Tawa kasi siya ng tawa e. Pinagtitinginan pa nga siya ng mga estudyante.

"Micah! Sabay na tayo pumasok!" Habol nito. Hinayaan ko lang siya at ako naman ay naglakad lang papuntang room. Maya maya pa't naramdaman ko na siya sa likod ko.

Sumabay lang siya saaking maglakad. Hanggang sa makarating na kami sa room ng walang imikan.

*

Kurt's POV

Tinignan ko lang yung mga prutas na nasa lamesa. Hindi ko ginalaw ang mga iyon simula kahapon. Gustong gusto ko siyang yakapin kahapon pero hindi pwede. Mas lalo pa yang Prince na yan! Kasama niya kahapon si Mitch.

"Anak, ang sabi ng doktor pwede ka na daw makalabas ng hospital. Papasok ka ba o magpahinga ka muna sa bahay?" Dumating si Mommy at umupo sa upuang nakalagay malapit sa kama.

"Papasok po ako." Tipid kong sagot. Sa school ko lang siya makikita at mababantayan.

"Okay baby. Ipapaayos ko na ang pag uwi mo." Tumango lang ako kay mommy. Umayos ako ng higa habang nakatingin sa ceiling. Mahal pa rin kita. Sana mapatawad mo ko Mitch.

~

Tuluyan nga akong nakaalis sa hospital. Bukas ay papasok na rin ako. Binalita din sakin ni Jessica ang tungkol sa pageant. Ang sabi nito ay kailangan ko na daw ng mga costumes para dito. Tss, wala naman akong pake sa pageant na yan. Ang gusto ko lang naman doon ay ang makasama si Mitch.

“Kurt babe,” Bulong ni Jessica habang ikinapit ang kamay sa aking braso.

“Why?” Inis kong tanong. Inalis ko yung kamay niyang naka-kapit sa braso ko.

“Tara, samahan kita bili tayo ng costume mo,” sabi niya habang nagpa-puppy eyes. Maganda si Jessica, oo. Pero hindi ko siya mahal.

“Sige.” 'Yun na lamang ang nasabi ko. Kahit naman na tumanggi ako ay kukulitin pa din ako nito.

Nakarating kami sa mall para mamili. Inuna naming puntahan ang Chinese Restaurant (Gawa ko lang 'yan) para kumain. Siya ang nagyayang kumain, pagpasok pa lang namin ay hinila na ako nito at naglakad papuntang restaurant.

Habang hinihintay namin ang order namin ay nakita ko sila Mitch at Prince sa medyo dulong upuan. 'Nandito din sila?'

“Babe, ayan na ang order natin,” Nabalik ako sa huwisyo ng nagsalita si Jessica. Malakas ang boses nito na parang sinadya.

“Yeah,” Tumingin ulit ako sakanila. Nahuli kong nakatingin si Mitch sa gawi namin pero ng magtama ang aming paningin ay umiwas agad ito.

“Babe, susubuan kita a,” Kumuha ng kutsara si Jessica at nagsandok ng pagkain. Itinapat ito ni Jessica sa aking harap. Wala akong nagawa kundi ang ngumanga at hintaying ipakain sakin ang sinandok nito.

Ninguya ko ang pagkain habang tumitingin sa pwesto nila Mitch. Nagku-kwentuhan sila ng makita ko. Nag-ngingitian pa nga ang dalawa. Tss!

Nakita kong tapos na silang kumain at nagbayad na. Tumayo naman sila pagkatapos  at lumabas.

“Tara,” Sabi ko kay Jessica ng makita ko silang papuntang Fabulous (Gawa ko lang din yan.) Pumasok nga sila doon at ako naman ay sumunod habang hila hila si Jessica.

“Anong ginagawa natin dito Kurt?” Takang tanong ni Jessica.

“Bibili,” Binitawan ko na si Jessica. Tinignan ko kung saan sila patungo. Pumunta sila sa loob mismo ng shop. Lumabas silang may dalang gown at sportd attire na damit. Mukhang ito ang gagamitin ni Mitch sa pageant.

“Bibilhan mo ba ako Babe?” Ngiting ngiting tanong ni Jessica habang itinatapat ang mga damit sakanya.

“Sige, mamili ka lang dyan.” Hindi ko siya tinignan dahil naka pokus lamang ako kay Mitch. Matapos nilang makuha ang damit ay napatingin sila sakin.

“Nandito din pala kayo,” Ngising pahayag ni Prince ng makita akong kasama si Jessica.

“Yeah,” Mahina kong sagot. Tumingin lang sakin si Mitch saglit at iniwas niya pagkatapos.

“Sige, mauna na kami. Madami nang napili yung FIANCÉ mo o.” Natatawang turo ni Prince kay Jessica habang bitbit nito ang mga damit na napili.

Tuluyan na silang umalis pagkatapos. Pinatapos ko na si Jessica sa pamimili at binayaran ang mga ito agad. Bumili na din ako ng mga damit na costumes para sa gagawing pageant. Umuwi din kami ng diretso pagkatapos. Hinatid ko muna siya bago ako umuwi.

“Thanks for the treat babe.” Sabi ni Jessica sabay halik sakin sa lips. Smack lamang iyon.

Tuluyan na siyang pumasok sa loob. Umuwi rin naman ako agad. Balang araw, mababawi ko rin sakin Si Mitch. Ang mga sikreto ay hindi habang buhay matatago. Humanda ka sakin, Prince.

💟💟💟💟💟💟💟💟💟💟💟💟💟💟💟💟

Hohoho~ Chapter 30 na us! I'm so happy <3 Sana makaabot kayo hanggang dulo. Lablab

Votes and comments are highly appreciated.
-Jezzcepeda22


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Love Will Lead Us Back❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon