HANGARING BALIKTARAN

89 0 0
                                    

Hangaring Baliktaran

Pebrero 2006


Isang mapagbigkis na panaghoy ang umalingawngaw,

Sa gitna ng mapagpanggap na katahimikan,

Ang pasaning krus ang s'ya ring sandata,

Laban sa makapangyarihan bomba,

At bigating armas ng karahasan.

Silbi'y laban ng pangkaraniwan,

Batid ang badya ng karimlan,

Sugod sa naghasik ng himutok,

Nitong sinilangang nais nang sumuntok.


Kinilala sa daigdig ang napagtagumpayan,

Taimtim na dasalin sa harap ng naturingang kalaban,

Tinunaw ang mga tangkeng naglalakihan,

Gagamba'y nagkulang sa galamay,

Lumipad, natakot sa madla.


Mabuting gawain,

Masarap ulit-ulitin?

Oo para sa kobrang makamandag,

Nag-aabang sa pagtuklaw, sanay sa gawaing mapagnakaw,

Mapagsamantala sa kahinaan ng iba,

Isinasandata ang mga aba,

Layuni'y di mawari.


Puro ba o may halong kaduda-duda,

Para pa rin ba sa hubad na katotohanan?

O nagbabalatkayo sa kadiliman.


Malayang nilalang buksan ang isipan,

Huwag papabulag at basta bastang lumaban,

Bawat pader ay may kahinaan,

Bawat panig ay may sinasambit na sariling kapakanan,

Nasaan na ang para sa bayan?

Maging mulat at may paninindigan

Nang sa huli di madaragdagan ang pagsisisihan.

Dating kalakasan ngayo'y hinukay na lubak,

Pera ay nilugmoklugmok sa burak.


Balikan ang dalawampung taong kasaysayan,

Nitong EDSAng muling ipinagdiwang.

ANG MGA NAIKUBLING TULA ("The Kept Poems")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon