MAINIT NA SABAW

151 0 0
                                    

Mainit Na Sabaw

Agosto 2009


Hating gabi na

At nagtungo sa carenderia

Naghanap ngunit walang makita

Sa dakong kanan doon ako lumingon

Isang mama ang masipag lumamon

At nakakatuwa siyang pagmasdan

Pagkat gusto ko rin ang kanyang kinakain

Dumukot ako ngunit wala palang pera

Nagsiyasat wala naman palang bulsa

Buti na lamang at may kasama

Kahit di naman kakilala

Maari bang mangutang muna?

Isang mahusay na pagdadahilan

Sa katabi kong

Mahilig din sa mainit na sabaw.

ANG MGA NAIKUBLING TULA ("The Kept Poems")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon