KILABOT NA MANGGAGAMOT

116 0 0
                                    

Kilabot na Manggagamot

Pebrero 2006


Isang epidemya ang bumalot sa sambayanan,

Malupit na pasakit malabong malunasan,

Malalalim na sugat at kirot na di masukat,

Dukhang pasakit, oh lagim na sikat.


Malungkot na balita kumalat sa madla,

Kapwa ni palito bahagyang namutla,

Ano ang nararapat gawin, suliranin masarap kamutin,

Kilabot na manggagamot sa kabundukan ay sunduin.


Masukal at mabato na daan, mababangis na nilalang,

Sa panganib di papapigil, patuloy sa matarik na pag-akyat,

Matayog na tuktok, pag-asang nasa sulok man o gulok,

Sarili'y hahamakin dalisay na pakiusap ay dinggin.


Sa kubo ni manggagamot bakas ang hiwaga,

Simbuyo ng karunungan kaanak ni Kaka,

Nasaan ka Kilabot, kami'y pakinggan,

Tangi kang pag-asa sa lumalalang kalungkutan.


Matapos ang mahaba at natutuyong paghihintay,

Mahal sa buhay tuluyan na nga bang mawawalay?

Kilabot, kung tunay ka mang mahusay,

Sana'y anino man lamang ay magpakitang buhay.


Ang daan sa pagbabalik tila may kadulasan,

Himig ng kaligtasan may halong katuturan?

Tanawin sa baryo tila may pagbabago,

Ano 'tong himno na kumikiliti sa puso ng mga anito?


Kakaibang ingay sumalubong sa mga manlalakbay,

Bawat tao kakaiba nagmukang kakatwang payaso,

Kakayahan ni Kilabot tunay na mabisa at pino,

Nagkukusa, sumasainyo hatid ng komedyang Pilipino!

ANG MGA NAIKUBLING TULA ("The Kept Poems")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon