BULAG, PIPI, BINGI ("Blind, Mute, Deaf")

261 1 1
                                    

8/1/2009

​Bulag

Heto ka na naman
Mapusok na kumakatok sa
Marupok na pinto ng aking bahay
Pilit na pumapasok
Di naman diyan ang daanan
Lumingon ka nga sa bandang kanan
Naroon ako
Kay tagal kitang hinihintay


Pipi

Tinatanong kita bakit di ka makasagot?
Kaya 'pag ikaw ang nagtatanong
Wala ka ring makukuhang matinong sagot
Di naman blanko ang iyong isipan
Bakit blangko ang iyong liham?


Bingi

Bakit nariyan ka
Gayung narito ako
Kinakausap mo na naman ang pader
Di mo ba alam na walang buhay 'yan?
Mali kasi ang tinig na iyong pinakikinggan
Masyadong matinis ang lirikong iyan
Di mo tuloy marinig ang taong nais mong makausap

ANG MGA NAIKUBLING TULA ("The Kept Poems")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon