LIHIM NG TULA

167 2 0
                                    

8/1/2009


​Bibihira ang makakaunawa

Sa lalim ng mga pinanghuhugutan ng mga tula

Bawat titik at kataga ay pili

Bawat tema ay may nais patungkulan

Kakatwa ang pagsusulat ng tula

Dulo't dulo ang emosyong pinanggagalingan

Kakayahan sa pagsusulat ay pana-panahon

Maaring ngayon ngunit di kahapon

Pilitin mo mang umupo at langhapin ang usok ng insenso

Damhin ang kakawating nakatarak sa iyong ulo

Kung ang pagsusulat ay di nasa puso

Mabuti pang matulog sahalip na magpuyat sa papel na blangko

Ang kalidad ng tula ay di masusukat sa haba

Di rin sa lalim ng mga salita o husay sa tugma

Gayundin sa tema o mensaheng itinakda

Lalong hindi sa pangalan ng may-akda.

ANG MGA NAIKUBLING TULA ("The Kept Poems")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon