KUYOS NA KUBO

75 0 0
                                    

Kuyos na Kubo

Ika-22 ng Oktubre 2010


Ito ang una kong tahanan

Isang regalo para sa aking kaarawan

Kapritso ng isang sutil na bata

Isang bahay-bahayang sariling gawa

Nais kitang ayusin

Iyong mga dumi'y kusang lilinisin

Palitan ang iyong mga inanay na haligi

Buksan ang mga bintanang wala namang silbi

Kuyos na dingding, basag na salamin

Animo'y abandonadong mansyon sa gitna ng bukirin

Kay lakas ng hangin, bagyo kung maituring

Ikubli mo ako huwag sa likod ng marupok na tabing.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ANG MGA NAIKUBLING TULA ("The Kept Poems")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon