BINHI

503 1 0
                                    

Binhi

Hulyo 2009


Mula sa isang ligaw na buto

Unti-unting sumibol ang isang binhi

Bagaman madamo ang kanyang kapaligiran

Mapald siyang ginagabayan ng kalikasan

Sa tuwina'y lagi siyang tugaw

Paos at uhaw sa dami ng kanyang kaagaw

Nais niyang mamukadkad

Balang araw ay maging matayog na puno

Siyang magsisilbing tahanan ng mga ibon

Kalauna'y maging lilim ng mga bagong binhi

Ngunit di biro ang maging hamak na binhi

Maraming salot at hamon ang kapaligiran

Mga uod at insektong di makaunawa sa kanyang kagandahan

Minsa'y balakid mismo'y kalikasan

Bagaman ito ang realidad sa buhay ng binhi

Mananatili siyang makunat sa mga delubyong darating

Makapit ang kanyang mga ugat sa buhangin

Yurakan ma'y muling mamumukadkad

At balang araw ay maging isang matyog na puno...

...matayog...matatag....

ANG MGA NAIKUBLING TULA ("The Kept Poems")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon