NANG NAPIPI SI JUAN SA PAKIKIPAGTALASTASAN

185 0 0
                                    

Nang Napipi si Juan sa Pakikipagtalastasan

Agosto 2009


Bagong bago ang kanyang barong

Pantalo'y maiksi hanggang sakong

Pormang porma para sa isang pagdiriwang

Pagharap sa madla'y kanyang siwang

Mga panauhi'y hindi naman dayuhan

Pawang mga tao na pangkaraniwan lamang

Madla na kanyang patutungkulan

Mga tubong mamamayan ng kanyang bayan

At dahil nais niyang mapabilang

Sa isang mataas na antas umano ng lipunan

Kanyang talumpati ay gabi-gabing pinagpupuyatan

Sa pag-aakalang doon siya magiging kapita-pitagan

At dumating na nga ang gabing pinakahihintay

Sa pag-akyat sa entablado'y naiwan ang handang salaysay

Isang papel ng litanyang nakalahad sa wikang di kabisado

Kamay ay nanlamig at naging pasmado.

ANG MGA NAIKUBLING TULA ("The Kept Poems")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon