SA LIKOD NG MGA LETRA

104 0 0
                                    

Sa Likod ng Mga Letra

Nobyembre 2006


Balot ng dilim at mapag-isang kapaligiran

Magagalas na damo'y nagsisilbing higaan

S'yang sasalo sa nagyeyelo't makirot na pakiramdam

Hapdi sa gitna ng natutulirong kawalan.


Paglalakad tila paglutang sa malambing na hangin

Tanging hangad hanapin landas na tatahakin

Kandilang tanging liwanag sa ligaw na daanan

Susunog sa balot ng pagsisisi, yayakap sa kapatawaran.


Pusong sawi bigo sa bangis ng pakikibaka

Tanging sandalan puntod na walang pag-asa

Panalangi'y katahimikan ng di mapanatag na konsensya

Handog ay nagdadalamhating rosas ng Dangwa.


Panalangi'y katahimikan ng pusong nagugulumihanan

Patatagin ang sariling dapa kung minsan

Kahit tigang na puntod na lamang ang sandalan

Alaala ang siyang pupuno sa iyong paglisan.

ANG MGA NAIKUBLING TULA ("The Kept Poems")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon