ANG MANDARAGIT

81 0 0
                                    

Ang Mandaragit

Marso 2007


Sa isang malawak, tuyot na palayan

Umaalingaw-ngaw ang huni ng mga tugaw na uwak

Mata'y nagiinit, 'sing talim ng sibat at itak

Nagmamashid nagbabanta sa marurupok na mga sanga.

Kunwari'y kawani, pilit pagbabalatkayo

Sa mga pangkaraniwan pasimpleng humahalo

Animo'y kasapi yaring samahan

Sisipsip mamamanata upang dinggin ang kahinlingan.

Sa ngalan ng kadakilaang makamtan ang nais

Susuungin ang init, bangis ng langis

Dugyot na langsangan kanyang susuyuin

Sa likod ng lahat, katotohanang trono'y mapasaakin.

Sagot sa lahat ng binabalot ng kababalaghan

Tiktik sa bubong ng may dala sa sinapupunan

Ingat sa punso, huwag yurakan

'Pagkat banta sa atin ay punyal sa lipunan.

Animo'y isang aktor sa pinilakang tabing

Ngiti sa larawan pang-akit sa mga bubuyog at langgam

Husay sa debate at balagtasan mapasakanya lamang

Paambon niyang Ninoy sampal sa kinabukasan.

ANG MGA NAIKUBLING TULA ("The Kept Poems")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon