LIKHA PARA KAY MARIA CLARA

2K 7 0
                                    

Likha Para kay Maria Clara

Hulyo 2009


Habi sa pinong hibla, mahabang dahon ng pinya

Baro niya'y 'sing haba ng isang lakbaying pangkalesa

Balot man ng saya ang kanyang katawan

Kagandaha'y di maikukubli anumang tangan-tangan.


Buhok niya'y mahaba, pino at maitim

Nakalugay man o nakaipit, tunay mong mamahalin

'Sing bango ng mga gumamela't kampupot sa hardin

Pino kung kumilos, batid ang kanyang hangarin.


Tamis ng kanyang ngiti pilit mang itago

Ikubli man ng abaniko mababatid pa rin ang yumi ng kanyang labi

Lambing ng kanyang tinig laging umiihip sa hangin

Malahimig anghel, gumugunita sa isip.


Tuwing dapit-hapon, sa kanyang pagdungaw

Mga taong napadaan lamang di mag-ungayaw

Mabali man ang leeg masilayan lang siyang tunay

Kay Simoun man o Ibarra, walang masakit na pilay.


Masinop sa kanyang mga samutsaring kagamitan

May natatanging talento, yumi at kagandahan

Maria Clara ang kanyang ngalan

Babae. Pilipina. Ginagalang.

ANG MGA NAIKUBLING TULA ("The Kept Poems")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon