HIKBI

120 0 0
                                    

Hikbi

Ika-25 ng Marso 2010


Gabi-gabing agam-agam

Sa puso nakatarak ang dinaramdam

Pag-aalalang kanyang ikinaaaba

Damdaming mayroon lamang sa mga ina.


Pilitin mang bumangon sa maghapon

Walang magagawa ang pagiging abala at tikom

Panlabas ay mukhang mahinahon

Sa rosaryo ang kapit, malampasan ang hamon.


Ilang araw pilit nagpapakatatag

Sa labis na pag-aalala siya ay bihag

Kay hirap tumayo sa kuyos na haligi

Liwanag niya animu'y mapupundi.


Minsan sa buhay dumarating ang panahon

Pagsagwan taliwas sa nakasanayang alon

Manunumbalik din ang dating mithi

Uusbong ang mga bagong binhi.


Ngunit gaano man katatag at positibo

Magdasal man ng 'sang libong rosaryo

Bara sa lalamunan, maibalik ang sigla't ngiti

Kailangan maibuhos ang lahat sa isang hikbi.

ANG MGA NAIKUBLING TULA ("The Kept Poems")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon