ANONG NANGYARI SA MAY AKDA

72 0 0
                                    

Anong Nangyari sa May Akda?

Marso 2008


Biglang naglagom ang may-akda

Ilang oras din sa bagot na hangi'y tulala

Sawa na raw sa paglikha ng mga tula

Himalang naubusan ng milyones na kataga

Anong nangyari sa may-akda?

Lathalain, sulatin naiwang nakatiwang-wang

Di pa natapos, pamagat na lang ang kulang

Dalangin ng lahat siya'y dumating

Anito sa pader kanilang sasambahin

Kani-kanina lang panatag ang madla

Na anumang oras matatapos ang ginagawa

Patong-patong na gawaing himok ipasadya

Bigla na lamang naubusan ng dugo sa mukha

Ano ang nagyari sa may-akda?

Di matatawaran husay sa pagsusulat

Sa tula niya'y nahuhulog mutya ng kabayanan

Pilantik at banat kailan ma'y di kumunat

Ngiti sa pagsusulat tiyak na makatotohanan

Samut-saring bulung-bulungan at pagtataka

Lagi yata ang pagtingin sa oras kani-kanina

Dala'y isang buko ng mga gumamela

Kay tulin tumakbo sa dako paroon

Iyon pala'y kay Maria Clara siya ay natitikom.

ANG MGA NAIKUBLING TULA ("The Kept Poems")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon