Let the Love Begin #12
Roa's pov
Three months have passed mula nong mangyari ang incidente namin ni Eldrin. Sa loob ng tatlong buwan ay umiiwas ako sa kanya. Tumatakbo pag naryan siya. Sa tatlong buwan din ay unti unti ng nagbabago ang pakikipagtungo ni Troy sakin.
Hindi na siya yung tipong binubully ka, inaaway ka hindi na. Naging magkaibigan na nga kami eh.
Sila Mariel naman eh nag bago narin. Hindi na nila ako inaaway, simula nung kinausap sila ni Troy. At sa tatlong buwan na yan ay naging magkasintahan na si Bryan at si Iris.
Oh ha? Si Miss Lukaluka ft Mr. Babaero.
Biglang nag bago kasi si Bryan nung magkatagpo ang landas nila ni Iris.
Sa ganda ba naman ni Iris sinong hindi maiinlove?
Yii kinilig ako.
Si Mariz naging isang sikat na singer na sa University at si Cindy naman ay sikat na make-up artist.
Naging magkaibigan kaming lahat pwera lang kay Eldrin. Sila magkaibigan, nagpapansinan at nagkikilitian pero kami. HINDI. Hindi nagkikibuan, hindi nagpapansinan, hindi nagtitinginan. Gusto ko sana siyang kausapin pero natatakot ako baka hindi niya ako pansinin. May kasalanan kasi ako sa kanya.
"Woy day, alis lang kami ah? " Paalam ni Iris sakin.
"San naman?" Tanong ko kay Iris.
"Edi san pa? Edi magdedate na naman sila." Nag roll ng eyes si Mariz.
Inggit lang naman tong babaetang to. Wala kasing lovelife. Wahhhhh! BITTER :P
"Inggit ka naman diyan." Singhal ni Cindy sakanya. Hahaha butenga.
"Hindi Cindy no! Bakit naman ako maiinggit?"
Weee? Di daw. Neknek niya!
"Good bye guys." Paalam nilang dalawa ni Iris at Bryan.
Edi sila na yung may forever -_- kami na ang wala.
T_T
Tss anyways bata pa naman ako kaya, wala munang nobyo-nobyo. Hahahahaha. LOL no ?
Nandito pala kami ngayon sa tambayan namin, sa lumang cafeteria ng school. Simula nung naging magkaibigan kasi kami ay dito na kami naglalagi tumatambay.
*Beep*
May nagtext kay Mariz. Agad rin naman iyong tiningnan.
"Ay, mga inday I have to go na rehearsal pa kasi eh."
Kasali pala si Mariz sa The Voice event ng university kung hindi ko pa nasasabi sa inyo. Pinasali kasi namin kaya ayon.
"Sige day. Pagbutihan mo ha? Wag tatanga tanga." sabi ni Cindy.
"Eh mas tanga ka naman! Alam mong wala ng pag asa, eh asa asa ka pa. Tsk tsk. Sige na alis nako. Ciao!"
ESE! Humuhugot na ang mga loka!
Umalis na si Mariz. Kami nalang tatlo dito sa tambayan. Si Cindy ako at si Eldrin.
Si Edward pala yung tinutukoy ni Mariz kanina. Ex boyfriend ni Cindy.
*Call Ringtone*
May biglang tumawag kay Cindy.
"he-hello? Na-napatawag k-ka? Anong sabi mo? g-gusto mong makipag usap? B-bakit naman? *Sigh* Oo sige papunta na ako."
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin (On-going)
RomanceThis is a work of fiction. The characters, organizations place and events portrayed in this story are only products of the author's imagination. Any resemblance to an actual incident or event is purely coincidental. Nagmahal ka noon. Nagmahal ka nga...