Roa's Pov
*Peep peep*
*Brooom brooom*
Nandito pala ako ngayon sa may kalsada naghihintay ng masasakyan papuntang school.
Feel na feel ko kasing magcommute ngayon kaya hindi na ako nagpahatid ni kuya.
Tiningnan ko saglit yung wrist watch ko para i-check kung anong time na ng bigla nalang may huminto sa harapan ko na isang motorsiklo at saka nagsalita ang driver nito.
"Hop in." Sabi niya pagkatanggal ng helmet niya sabay lagay nito sa lap niya.
Nagulat ako ng mag sink in sa utak ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon.
"E-eldrin? Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya.
Imbis na sagutin niya ako ay hinablot niya lang ako pasakay sa motor niya.
"Ano ba Eldrin! Nanghahablot ka bigla. Anong problema mo?" inis kong tugon sa kanya. Ang sakit kaya ng pagkahablot niya. Feeling ko parang mahihiwalay na yung kamay ko mula sa katawan ko.
"Angkas ka muna bago kita sagutin." Sabi niya sakin tapos ngiti ng pagkalapad-lapad.
Haroy Ginoo ko! Ba't ba ang gwapo ng nilalang na ito ? Yung inis na naramdam ko kanina bigla nalang nawala.
Bigla nalang akong napa-angkas sa motor niya. Ewan ko ba may sariling utak yata tong katawan ko :D. Tumingin ako sa kanya at ngumiti na naman ulit. SYET that smile again.
DUB DUB DUB DUB
Syet memeng! Nag malfunction na ata tong puso ko, bigla bigla nalang tumitibok ng malakas kahit hindi naman ako kinakabahan, natatakot or what so ever.
Ibinigay niya sakin yung extrang helmet na dala niya. 'Ready'ng ready ah?' Sabi ko sa isipan ko. Tapos sinuot ko na agad ang helmet.
"Ready?" Tanong niya bigla sa akin.
Komunot yung noo ko pagkarinig ko sa tanong niya.
"Anong-----AAAAAAAAHHHHHHH SYET!"
Napakapit ako bigla sa balikat niya ng bigla nalang niyang pina-andar yung motor ng pagkabilis-bilis. SHETMEMENG tong lalaking to!
Habang nasa gitna na kami ng byahe ng bigla nalang niyang hinawakan yung kamay ko. Omaygad! Uminit yung mukha ko, Shet! takte tong lalaking to, lagi nalang akong napapamura dahil sa kaniya :3 Sorry po Lord ko, ang bad bad ko na.
Dinala niya yung mga kamay ko patungo sa may beywang niya.
"Kumapit ka ng maigi ah? Baka mahulog ka."
Oo Eldrin kakapit talaga ak baka tuluyan na akong mahulog--- mahulog sayo :3.
Nilock ko yung mga kamay ko sa beywang niya at isinandal ko yung ulo ko sa balikat niya.
Kahit ganto lang okay na ako. Okay na okay na ako. Satisfied na ako, basta makasama ko lang tong tao na to.
Few minutes have passed at dumating narin kami sa wakas sa parking area ng school. Bumaba na ako sa motorsiklo. I unlocked the helmet at binigay ito sa kanya sabay sabing 'Thanks for the ride!'
Lumakad na ako matapos kung magpasalamat sa kanya. Ilang saglit lang ay hinablot na naman ako ni Eldrin at inakbayan.
The nerve of this man! Bakit ba ganto siya? Ba't ba lagi nalang niya akong pinapakilig? Shet! Feeling ko namumula na naman ako ngayon. Help me Lord!
Tumingala ako sa kanya kasi mas mataas kasi siya sakin. Langya, nakangisi ang mokong! Trip niya siguro ako ngayon.
"I-alis mo nga yang kamay mo sa balikat ko? Akala mo naman hindi mabigat ano? At ano ka ba naman Eldrin nakakahiya! Tingnan mo oh, ang daming nakatingin satin." Nginuso ko yung mga taong nasa harapan namin na nakatingin samin.
💞
"Baka isipin nila na baka mag-ON tayo." Dagdag ko pa sabay pilit alis sa kamay niya. Pero ang lakas niya di ko keri.
"Hayaan mo sila. Tara na't dalian na natin baka malate na tayo sa klase." Sabi nalang niya bilang tugon sa sinabe ko.
So ayun nga nagtungo na kami papunta sa room namin habang naka-akbay parin siya sakin. Kilig much!
''O sige, bitaw na malapit na tayo baka makita tayo ng mga kaklase natin at ng barkada ano pang masabi nila."
Sumunod rin naman siya kaya wala ng problema at pumasok na kami.
********
Madaling natapos ang araw at ngayon ay naglalakad na ako papuntang main gate ng bigla nalang may sumulpot na lalaki sa harapan ko.
"Ano na namn bang kelangan mo lalaking ka?"- Ako
"Sige na, sama kana sa akin. Promise maganda dun."- Siya
"OO na sige. Gora na! Ang kulit mo naman kasi eh!"-Ako
Ang kulit niya talaga! Ayaw talaga akong tigilan yan tuloy napa 'oo' nalang ako. Kung di ka lang talaga gwapo tsaka crush ko, ewan ko lang.
"Sabi mo yan ah?" Sabi niya sabay hablot ulit sakin. Lintik! Nakakarami natong mokong na to ah? Masasapak ko na talaga to pag di na ako makapagtimpi.
Dinala niya ako sa parking area at lumarga na.
"Eldrin, san mo nga ba ako dadalhin ah?" Ika-pangatlo ko na tong tanong sa kanya. Paulit ulit nalang ako at siya naman paulit ulit na deadma. Sana di nalang pala ako sumama.
Hindi nalang ako kumibo pa at sumandal ulit ako sa balikat niya.
****
A/N: Yays! Sana nagustuhan niyo po Hahaha! Sensya na kinilig ako habang sinusulat ito eh :)
Yiii!Anyways vote and comment po mwahmwah.
Xoxo
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin (On-going)
RomansaThis is a work of fiction. The characters, organizations place and events portrayed in this story are only products of the author's imagination. Any resemblance to an actual incident or event is purely coincidental. Nagmahal ka noon. Nagmahal ka nga...