Roa's POV
Maraming araw ang nag daan. At sa bawat araw na nagdaan ay hindi nakakalimutan ni Eldrin ang pakiligin ako.
Araw araw masama ang tiyan ko dahil sa kaniya.
Araw araw akong nagba-blush.
Araw araw niya akong pinapasaya.
Straight isang linggo niya ako pinapasaya.
Kaya I decided na sasagutin ko na siya mamaya after sa klase namin.
Inayos ko na ang sarili ko at nag punta na sa labas ng gate hinihintay ang prince charming ko.
30 minutes have past at wala parin ang sundo ko.
Tumingin ako sa wrist watch ko.
Hala. Malelate na ako.
Dalidali akong nagpunta sa loob at pinuntahan si kuya Edgar.
"Oh bakit nandito pa po kayo maam? Wala pa yung sundo niyo?" tanong ni Kuya sakin ng makita niya ako papalapit sa kanya.
"Oo kuya eh. Pahatid nalang po ako sayo ah. Salamat."
Tumango na lamang si kuya at sumakay na sa kotse. Sumakay na rin ako.
Habang nasa byahe kami ay lutang ang isip ko.
Palagi kong tinatanong kung bakit hindi niya ako sinundo sa amin.
Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ko at tiningnan kung may text ba si Eldrin, pero wala eh.
Tinawagan ko siya.
The subscriber cannot be reached please try again later.
Bakit hindi ko siya ma-contact?
"Ano kayang nangyari sa kanya." nag alala kong tanong sa sarili ko.
"Wag kang mag alala maam. Baka may ginagawa lang po yung nobyo niyo."
Natawa naman ako sa sinabe ni kuya.
"Nandito na po tayo." sabi ni kuya.
"Salamat kuya." lumabas na ako sa kotse.
Dali dali akong naglakad kasi late na ako.
"Good morning po." bati ko sa instructor namin.
Pagkatapos ay nagtungo na ako sa upuan ko.
Tumingin ako sa upuan ni Eldrin at shot nandun na siya.
Nandito na pala siya pero hindi man lang niya ako sinundo sa amin.
Umupo ako na lutang ang pag iisip ko.
"Woy day, bakit hindi kayo sabay ni Eldrin ngayon? LQ?" tanong sakin ni Mariz.
"Hindi ko alam." malungkot kong tugon sa kanya.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Halo halo.
Na dismaya ako sa ginawa sakin ni Eldrin.
Sana nagtext man lang siya sakin na hindi niya ako masusundo para hindi ako umasa.
Biglang uminit ang mata ko.
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin (On-going)
RomanceThis is a work of fiction. The characters, organizations place and events portrayed in this story are only products of the author's imagination. Any resemblance to an actual incident or event is purely coincidental. Nagmahal ka noon. Nagmahal ka nga...