Roa's POV
"Whenever I have problems, I immediately drive myself to go here. " Kwento niya sakin.
"Bakit may problema ka ba ngayon? "
"Wala naman. Hindi lang naman kasi pagmalungkot ako pumupumunta dito minsan pumupumunta ako dito kasi masaya ako." humiga siya damohan.
"Sayang hindi natin naabutan ang sunset. Dinala ko pa naman kita dito just to show to you how beautiful sunset is. Pero okay lang mags-star gazing nalang tayo tutal malapit na magdilim. "Tumingin siya sakin.
"So? Mamaya mo pa pala ako balak iuwi samin? How about our dinner? Eh di mamamatay tayo sa gutom dito ganun? "
Tumawa ito bahagya sa sinabe ko.
"Relax. Dadaan naman tayo mamaya sa Jollibee eh."
Namilog ang mga mata ko sa narinig ko.
"Sabi mo yan ah. " sabi ko nalang at humiga narin ako sa right side niya.
Ilang saglit na katahimikan.
"Alam mo, when I was still young palagi akong naglalaro dito kasama ang bestfriend ko. He's my childhood bestfriend. We spent our weekends here. "he paused. "Pero one day nagising nalang ako na ang nooy maganda at masaya naming samahan ay bigla nalang naglaho. Dahil lang sa isang babae. Nagkataon kasi na ang babaing minahal ko ay siya ring babaing mahal niya. Dun nasira ang pagkakaibigan namin. Then dun ko napagdesisyonan na iwasan nalang ang mga babae. Kasi kung makikipagkaibigan or something ako sa kanila baka maulit na naman yung nanyari."
"Ah kaya pala napakacold mo noon ,now I get it." sabi ko at tumakilid para makaharap ang katabi ko.
Nagpakawala ito ng isang malalim na hininga.
"Pero ngayon, sa hindi inaasahang pagkakataon nakatagpo ako ng isang babae. Isang babae na bumago sa sarili ko. Binago niya ako. Hindi ko nga alam pero nang dahil sa kanya lahat ng kacoldan sa katawan ko e dinisolve na niya. Para siyang hot water na tinutunaw ako habang magkasama kami. Yung mga mata niya parang animoy bon fire at pinapainit niya ako."
"So who's that girl ba?" then I smiled.
"Kilala mo siya. In fact, she's in section A. Kaklasi natin siya. Alam mo hangang hanga ako sa kanya. Kakaiba siya hindi siya gaya ng ibang mga babae."
Medyo nakaramdam ako ng kirot pagkarinig ko nun. Ewan ko ba. Feel ko lang kasi parang nasaktan ako dun.
Tumihaya na ako. Di lang kasi keri ng kagandahan ko ang humarap sa kanya lalo na't ang pinaguusapan namin ay yung babaeng bumago sa kanya. Ah basta. Ayuko.
Oh sige, aamin na ako. May gusto ako kay Eldrin kaya naiinis ako sa kinikwento niya. Selos na kung selos. Bakit di ba ako pwede magselos? Eh gusto ko siya eh. Maypagtingin ako sa kanya.
"Noon gusto ko lang siya pero ngayon mahal ko na siya Roa." masaya niyang sambit sakin.
I don't care! Aysh! Ano ba tong nararamdaman ko. Selos na selos na ako bhe! Sana matapilok yung babaeng yun para naman ako na ang magustuhan ni Eldrin. Eh paki niyo ba. Nangangarap lang naman ako eh. Libre lang mangarap oy kaya lulubus-lubusin ko na.
Pero hindi ako yung mahal niya eh, kahit anong pangarap ko di parin yun mangyayari.
Nakaramdam na naman ako ng kirot sa dibdib ko. Sa sobrang kirot parang gusto kong umiyak.
"Hey." tawag niya sakin.
"Hmm." I answered. Ayukong magsalita baka kasi bumigay na ako. Baka kasi bigla na lang akong umiyak sa harap niya. Nakakaloka yun pagnagkataon.
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin (On-going)
RomansaThis is a work of fiction. The characters, organizations place and events portrayed in this story are only products of the author's imagination. Any resemblance to an actual incident or event is purely coincidental. Nagmahal ka noon. Nagmahal ka nga...