Third Person's POV
Masayang naglakad paalis si Roa at Eldrin sa ranchong kinagagalingan nila. Sumakay sila sa motorbike ng binata at nag punta sa Jollibee.
Habang masayang kumakain ang dalawa, lingid sa kanilang kaalaman na may sumusunod at nagmamatyag pala sa kanila.
Kita ng taong ito kung ano ang pinag-gagawa nilang dalawa. Nasa loob ito ng kotse niyang tinted kaya hindi siya kita nito mula sa labas. May kinuha siya sa kanyang bulsa at ito ay isang camera. Kinunan niya ng litrato ang dalawa tsaka ito bumaba sa kotse niya at nagpunta sa kinaroroonan nila Roa.
Bumili ito ng pagkain at etinake-out ito.
"Ang sweet niyo naman." nakangising sabi ng tao at tsaka niya kinain ang spaghetti nito sa loob ng kotse niya.
Maya maya pay lumabas na ang dalawa at sumakay na sa motorbike para umuwi na. Kaya naman dali dali niyang pinaandar ang makina at sinundan ang dalawa.
Pagkarating nila sa may gate ng bahay nila Roa ay agad humarap siya sa binata.
"Thank you for this wonderful time together. Nag enjoy at nabusog ako." ngumiti ito at binigyan ng halik ang binata sa pisngi.
Halatang nagulat ang binata pero masaya siya sa ginawa ng dalaga.
"Wala yun. Basta ikaw." ngumiti rin ang binata.
"Bukas, wag mong kakalimutang ligawan ako ah? Pagnakalimutan mo ewan ko talaga kung anong gawin ko sayo." Pabirong wika ng dalaga.
"Opo, my princess." tugon nito at hinalikan ang kamay ng dalaga.
Kinilig naman ng bonggang bonga ang dalaga.
Sa kabilang dako naman, habang masayang naglalambingan ang dalawa, hindi nila alam na may kumukuha na pala ng litrato sa kanila.
*CLICK*CLICK*CLICK*
"Sweet Love. Tss." Sabi nito pagkatapos nitong kunan ang dalawa.
Sumakay na si Eldrin sa motorbike niya at umuwi na.
"Eldrin. Ang aking Eldrin." sabi niya sa sarili niya.
Napalingon ito sa kanyang cellphone sa ingay na ibinibigay nito. Kinuha niya ito at sinagot ang tawag.
"Yes?" sagot niya sa kabilang linya.
"Kumusta ang pinapagawa ko sayo?"
"May bago akong natuklasan ngayong araw. Gusto mo bang malaman?" tanong niya sa kausap.
"Ano iyon?"
"Sinent ko na sa iyo. Pakitingnan na lang." Sagot nito habang bahagya itong ngumisi.
"That asshole! How dare he. Malilintikan talaga siya sakin!" bulyaw nito.
"Easy my dear brother, easy lang."
"In seven days, hintayin moko." sabi ng nasa kabilang linya at binaabaan ito.
Ngumisi ang babae at umalis na sa kinaruruonan niya.
Roa's POV
*Call ringtone*
Nagising ako sa ingay ng phone ko. Habang pikit pa ang mata ay kinapa ko ang cellphone ko sa side table ng kama ko.
Sinagot ko ito.
I groan bilang sagot ko sa kabilang linya.
"Good morning my princess." Naimulat ko ang mata ko ng marinig ko ang boses niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/74077629-288-k969322.jpg)
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin (On-going)
RomanceThis is a work of fiction. The characters, organizations place and events portrayed in this story are only products of the author's imagination. Any resemblance to an actual incident or event is purely coincidental. Nagmahal ka noon. Nagmahal ka nga...