#8

107 32 45
                                        

Let The Love Begin #8


Roa's Pov


Few weeks have passed at ganun parin kami ni Troy. Away dito away doon. Ganyan kami lage todo awat na nga yung mga kaklase ko eh. May time pa nga inaway na din ako ng isa kong kaklase na si Mariel kasi daw bitch ako. Lagi ko daw nilalapitan si Troy. Eh paki ko ba kay Troy wala naman akong gusto nun tas gusto ko lang naman makaganti sa lalaki na yun.




"I'm so excited! Sino kaya mapipili para sa gaganapin na Mr. and Ms. Freshmen no?" Cindy.



"Nah, sana may contestant galing sa section natin." wika ni Mariz.



"Ano ba naman kayo Ris at Cindy, syempre may contestant tayo. Tingnan mo naman itong dalagingging na ito. May height. Pretty tas sexy pa at di rin yan papaawat sa question and answer portion. Oh ha all in 1 na yan." sabi ni Iris habang tinuturo ako.



I burst a big laugh sa sinabe ni Iris.



"Ano ba naman kayo. Look at me, hindi ako bagay sa mga ganyan. "



"Hoy! Luka luka ka rin pala no. Ang perpekto mo nga eh. Sus kung ako magkaganyan, (turo sa hinaharap ko) tas ito (waist) at ito pa (pwet) nah matagal na akong sumasali sa mga pageant na yan. Buti ka nga nabibiyayaan ka niyan eh. Ehh kami?" sabi Mariz.



Hindi ko nalang sila pinansin pa kasi pipilitin lang naman nila akong papasalihin sa pageant, e sa ayoko. Tinapos ko nalang yung pagkain ko at hinintay sila sa labas ng cafeteria.



"Woy ikaw ha. Nang aabuso ka na. Tama ba naman na kami ang pagbabayarin mo dun? Mga dukha kaya kami remember?" bungad na sabi ni Cindy sakin pagkalabas nila.



"Asus. Sa susunod ako naman lilibre sa inyo."



"Yey" Cindy



"Yaho!" Mariz



"Yeba!" Iris



Sabay sabay nilang sabi. Mga baboy talaga.


[ROOM]

"Okay class, since I am the organizer sa event na gaganapin next week na Mr. and Ms. Freshmen ako na mismo ang pipili ng contestant sa department natin."



Nag pause siya saglit then nag salita na naman.



"I'm informing you that dito sa section na ito ako kukuha ng contestants since section A naman kayo."



Tumingin siya sa aming lahat.



"I've choosen this two because they have the potential and I know that this time tayo naman ang mananalo. So Mr. Urduja and Ms. Rameriz kayo ang panlaban natin sa competition. Come and follow me. And the rest be quite and study our lessons okay?" sabi ni maam Cotanda at saka umalis.



"I told you." Sabi ni Mariz sakin.



"Oo na." Pagsuko ko sa kanya.



Pagkatapos nun ay sumunod na kami kay maam.



Nandito na kami sa Plenary Hall ng school at katabi ko si Eldrin ngayon.



Tumingin ako sa kanya.



Ang cold niya.



Hindi nga man lang siya bumati sakin kahit 'Hi'man lang.



Let The Love Begin (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon