#14

41 17 17
                                    

Let The Love Begin #14

Roa's Pov

"W-who are you?" Sambit ko sa babaing nakatalikod sa akin. Kahit man nagsisirko sirko ang paningin ko dulot ng pagkahilo at sa mga nangyari kanina ay pinilit ko paring bumangon para makaharap sa kanya.

"Sa susunod wag basta bastang sasama sa mga taong di mo kakilala. Mapapahamak ka lang." Giit niya habang nakatalikod siya sa akin.

Ilang saglit pa ay humarap na siya sa akin. Bumungad sa akin ang maganda at perpekto niyang mukha. Mataas at kulay reddish brown na buhok at may malaman ngunit sexy na katawan.

Nginitian niya ako at humakbang na siya palayo. Bago paman siya makalayo ay pahirapan akong tumayo at hinabol siya para magpasalamat at malaman ko ang pangalan niya. Pero nung malapit na ako sa kanya ay pinigilan niya ako.

"Stop! Don't go near me." Kalmado ngunit maotoridad niyang sabi. Napahinto naman ako sa kinatatayuan ko.

"Thank you for saving me." sabi ko sa kanya.

"Nah, don't thank me. I just give him what he deserves." Sabi niya habang sinulyapan niya ang lalaking nakabulagta sa sahig.

Anong ibig niyang sabihin ?

Giving what he deserves?

Bakit sino ba siya?

Mag kaano ano ba sila ni Robie?

Girlfriend kaya siya nitong kumag nato?

"Anung ibig mong sabihin?"

"Ugh! Basta! I hate explaining. Anyways sige alis na ako." Humakbang na siya palayo.

"Teka lang, may I know your name?" Pasigaw kong tanong sa kanya.

"Wag na! Sa susunod nalang." Itinaas niya yung kamay niya at iniwagayway.

Sa susunod nalang? As if naman magkikita pa kami? Malay mo Roa, diba? Hays! anu ba yan kinakausap ko ang sarili ko.

Naglakad narin ako pabalik sa bar. Ang problema nga lang eh hindi ko alam ang daan pabalik dun. Wahhhh! What I am going to do?

Habang naglalakad na ako ay nagulat ako ng biglang may humawak sa kamay ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Bigla siyang nagsalita.

"Mag iingat ka Roa. Mag iingat ka sa kanila. Mag iingat ka."

Lilingon na sana ako ng bigla niyang hinigpitan ang hawak sakin.

"Wag kang lilingon." Maotoridad na naman niyang sabi sakin. Kanina pa siya ah. Gusto niya siya lage ang masusunod. Pero dahil nga sa matigas ang ulo ko kaya lumingon parin ako.

Dahil dun mas hinigpitan pa niya ang pagkahawak niya sakin. Bushet na babaitang to! Anshaket.

Namimilipit na ako sa sakit. Napansin rin naman niya ito.

"Hayysss! Tama nga talaga siya. Napaka tigas ng ulo mo."

Huh? Ano na naman bang pinagsasabi ng babaitang to?

Bakit ba kung makapagsalita sila tila alam na alam na nila ako.

Ano ba tong nangyayari!

Pagkatapos niyang sabihin nun ay unti unti ko ng naramdaman na lumuwag na ang pagkahawak niya sa akin at lumakad na siya palayo.

Paglingon ko bigla nalang siyang nawala.




That girl. She is so mysterious!

**********

*Tok tok*

"Pasok."

"Maam Roa may mga bisita po kayo." Sabi ni manang pagkapasok niya sa silid ko.

Visitors? Wala naman akong inaasahang mga bisita ngayon ah.

"Sino daw manang?" Sabi ko without looking at her.

Gumagawa kasi ako ng assignments. Kahit naman kasi maldita ako marunong din naman ako mag assignments hehe. Mabuting mag aaral to oy. ^_^

"Mga kaibigan mo daw maam." Napangiwi ako upon knowing na sila pala ang mga bisita ko. Ang mga kaibigan ko. Ang mga kaibigan ko na pinandidirian ako. Mga kaibigan ko na sinaktan ako. Silang tinuring ko na matalik na kaibigan at pinagkatiwalaan ko tapos sa ganun lang?

Oa na kung oa, hindi parin makatwiran sakin yun. Masakit sila makatingin. Masakit sila makapagsalita :( Pasensya na pero nasaktan talaga ako sa kanila.

"Sige manang. Pagkatapos ko nito." Sabi ko nalang kay manang mukhang nangawit na kasi siya kakatayo sa may pintuan. Pasensya napo manang nagdrama pa kasi yung amo mo hihihi.

Pano ko kaya sila haharapin?

Pano ko sila kakausapin?

Pano kung hindi ko maatim na tingnan sila sa mata.

Pano kung maiyak ako sa harapan nila? Magmumukha lang akong tanga.

Hindi ko alam pero I found my self na papunta na sa living room kung saan sila naghihintay sakin. Kusa nalang naglakad ang mga paa ko papunta sa kanila.

"Hi day! Ang pretty natin ngayon ah?" Bungad ni Mariz sakin pagkababa ko sa hagdan.

Namiss ko man ang kakulitan ni Mariz, nilang lahat hindi parin maatim ng damdamin ko ang patawarin nalang sila basta basta. Gustuhin ko mang ngitian ang ngayoy nakangiti na si Mariz pero di ko kaya. Mabigat pa sa kalooban ko.

Binaliwala ko nalang ang bati sakin ni Mariz at nagpatuloy sa paglakad at umupo sa harapan nila. Iniisa isa ko ng tingin silang lahat.

"Bakit pala kayo naparito? Anong kailangan niyo sakin?" Walang ka emo emosyon kong tanong sa kanila.

Bahagyang nagulat sila sa inasta ko.

May gana pa talaga kayong magulat? Eh alam niyo naman kung bakit ako nagkaganito?

"Nandito kami para sana ayain ka na mamasyal. Pagkatapos ng school work natin." Nakayukong sabi ni Cindy.

"Anong school work? Wala yata akong natatandaang may school work tayo." Sabi ko na wala nanamang kaemo emosyon.

"Nung umabsent ka kasi sa klase ay may inanounce si Maam Perez na group activity." Pagdadahilan ni Iris.

"Okay." Tipid kong sabi sa kanila.

Tumayo ako at nagpunta sa kitchen na hindi man lang nag excuse sa kanila. Napakawalang galang ko naba? Haysss pasensya na.

Pagkadating ko dun ay hinanap ko si Manang para handaan sila ng meryenda. At pagkatapos nun ay umakyat na ako sa taas para magbihis.


****

A/N: Nawiwindang na ako! Anyways Vote vote vote and commets po mga bes :)

Salamat ng marami!

Xoxo

Let The Love Begin (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon