Let The Love Begin #10
Roa's Pov-Kinaumagahan sa school-
Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa bench ng school na napapailaliman ng malalaking akasya kaya hindi ako nasisilawan ni Kuya Sun.
"Ang tagal naman nila." I murmured.
Hinihintay ko kasi yung tatlo bumili pa kasi ng pagkain dun sa cafeteria. Alams niyo na, mga baboy kasi yung mga yun.
"Waiting for someone?" sabi ng lalaking nasa harapan ko.
Tumingin ako sa kanya.
Nilingon ko likod ko.
"Ako ba tinatanong mo?" tanong ko sa kanya.
"Bakit sino pa ba? Syempre ikaw. Tayo lang naman ang nandito."
Tch. Parepareho lang talaga tong magkakaibigan nato mga pilosopo't suplado.
Inirapan ko nalang siya.
"Para sayo."binigyan niya ako ng isang di kalakihan na box.
"What's this?" tanong ko
"Box syempre."
"I mean anong meron dyan. Napakasuplado niyo talaga eh no? Bwisit."
"Aba malay ko ba kung ano yan. Pinabibigay lang naman yan sakin." Sabi niya then kada may dadaan na chix e kikindatan niya. Chixboy talaga.
"Kanino naman galing?"
"Galing kay Troy. Thank you daw."
Sus marunong rin palang magpasalamat ang mokong na yun. Dinadaan pa sa ganito. Nakakatuwa naman.
Teka lang bakit parang kinikilig ako? Aysssh! Nakakaloka.
"Sabihin thank you daw. "
Tumango lang siya tsaka umalis. Hinabol niya yung mga babae na dumaan kanina.
Nadech Kugimiya as Bryan
Mayamaya pay dumating na ang mga kaibigan ko.
"Hoy hoy hoy hoy, ano yan ha?" Sabi ni Cindy na may dala dalang mga chocolates.
Si Mariz naman tatlong burger tas si Iris naman ay mga cupcakes. Baboy no?
"Hoy ano yan?" Mariz
"Gift ba yan?" Iris
Sunod sunod na tanong nila sakin.
"Wala to ano ba kayo." Sabi ko at nilagay sa tabi ko.
"Op op op op, bakit parang nakita ko si Bryan galing dito. Siya ba may bigay niyan ha? Pinupormahan kaba ng babairong yun?" nakapamiywang na tanong ni Iris.
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin (On-going)
RomanceThis is a work of fiction. The characters, organizations place and events portrayed in this story are only products of the author's imagination. Any resemblance to an actual incident or event is purely coincidental. Nagmahal ka noon. Nagmahal ka nga...