MASAYA BA

45 1 0
                                    

Ang tulang ito ay para sa mga manloloko
Yung mga katulad mo,
Mga bagyong pag nanira na
Lilisan na.
Paalam sa'yo
Yung dating nauto mo
Ngayon ay natuto

-mgrg

_______________________________________

MASAYA BA

MASAYA BA.
Noong pinili mong lokohin ako, pagkatapos na mahalin kita,
MASAYA BA.
Na ginamit mo lang ako para ipagmalaki sa iba.
MASAYA BA.
Noong dinurog mo ang puso ko, nung tinapos mo ang "tayo".
MASAYA BA.
Na ipamukha sa akin, na meron ka ng iba
MASAYA BA?
MASAYA BA NA IPAKITANG MERON KA NG IBA
HABANG AKO'Y LUMULUHA.

Gaano kasaya, na makitang tuwang tuwa ang aking mga mata
Dahil sinabi mo sa aking "mahal kita"
Na yung dating pangarap na "tayo"
Na ika'y saakin, at ako'y sayo
Ay di na lang basta hangarin
Ngunit pangako, na magiging tayo rin.
Oo, masaya, masaya ako
Pero ako lang pala'y niloloko
Ginamit na para bang medalya
Pinagmamalaki lamang sa iba
Wala naman sa aking kaalaman,
Na isa palang karangalan
Na ako'y ma pa sayo
Na para bang isang laruan mo

Sabihin mo nga, gaano ba talaga kasaya?
Ang manakit ng iba?
Wala ka ba talagang puso?
At sa malalim na pagkahulog ko sayo,
Dinurog ang aking puso,
Sinira ang mga pangako
TINAPOS MO ANG TAYO

Masaya nga siguro,
Na makitang ako'y nadudurog
Yung tipong lahat ng luha mula sa aking mata'y umaagos
Lalo na noong sambitin mo ang mga salitang sa puso ko'y tagos
"HINDI NA KITA MAHAL, TAPOS NA TAYO
IKAW NA LANG AT AKO,
WALA NANG TAYO"

Ngunit mas masaya siguro
Nung mga panahong ipinamumukha mo
Na ikaw na nga'y may bago
Kahit kakatapos lang ng tayo
Sige pa, ipakita mo pa
Kung gaano ka kasaya sakanya

Oo na,
Ako na ang di mahalaga
Ako na yung di mo minahal
Ako na yung di kamahal mahal
Tanggap ko na
Umalis ka na

Mas masaya ka na diba?
Sige, do'n ka na sa kanya.

3:58;072416
-mgrg

Damned PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon