IMAHINASYON
Noong narating ko ang aking mga limitasyon
Noong di ko na kinaya ang lahat
Napagod na ako sa kakasigaw
Noong hindi ko na makaya ang kawalan ng kontrol
Naging isang malaking tulong ang iyong presensya
Nakakakalma.
Ngunit hindi nito kayang pakalmahin
Ang kaba na tila ba hangin na bumabalot sa akin
Ang takot na tila ba ulap na humuhigop ng lakas
Ang mga alon ng pagod na tumatangkang ako'y patumbahin
Hindi nito napigilan, ang luha na rumagasa
Mula sa mga mataNoong mga panahong ako'y lumuluha
Naglalabas ng galit
Ang aking mga hikbi ang nagsilbing boses
Sa aking bibig na napapaos na sa galit
At sa mga panahong iyon
Hindi ko alam kung nakatingin ka nga sa akinNgunit umasa ako
Nangarap ako
Dahil bakit nga naman hindi
Mayroon naman tayong pinagsamahan
Mayroon din naman tayong mga pangakong naiwang naghahantay para tuparin
Kaya umasa ako,
Kahit na durog ang puso na to
Ay tumibok muli ito
Sigaw ang pangalan mo
Tinatawag kang muli
Pinababalik ka aking mahal koPero iba na ngayon
Kaya natuto na kong makuntento sa mga lihim kong pagtingin sayo
Sa pasulyap sulyap sa direksyon mo
Sa paghahanap sayo ngunit di kita kakausapin
Sa paggawa ng paraan para mapalapit sa piling mo pero hinding hindi kita kakausapinMakukuntento na ako,
Sa aking munting panaginip
Kung saan ikaw at ako
Ay kahit kailanmang maglayuan
Ay babalik ka sa akinIsang imahinasyon,
Ng lihim na pagtingin
Isang pangarap,
Na sa panahon ngayon,
Ag hindi na makakaya pang tuparin.mgrg092526;4:08
BINABASA MO ANG
Damned Poems
PoetryWritten under the influence of broken hearts and promises. When the dawn is to come, that's when my poetry becomes war. A war between a broken heart and a fighting one. Damn, never have I thought it would be this hard.