TANGING HILING

23 0 0
                                    

Pasko, pasko, pasko
Nasaan ka na sinta ko?

_______________________________________

Tanging Hiling

Ilang pasko na nga ba ang nakalipas?
Matiyagang hinihintay iyong pagbalik.
Dating kislap ng puso ngayo'y kumupas,
Hindi ba't dati ako'y sabik na sabik?

Pagkislap ng ilaw na parang bituin,
Sa mata nama'y luha ang nagnjningning.
Ang paborito mo aking inihain,
Bakit pa naghanda? Ika'y di kapiling.

Pasko na mahal ko, naghihintay pa rin,
Bakut hanggang ngayon ika'y di kapiling?
Ilang beses bang hihiling sa bituin?
Paskong pagbalik mo ang tanging hiling.

Damned PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon