Halina at sumama sa paglalakbay na tawag ay pagmamahal.
mgrg
_______________________________________PANAHON
I Tagsibol
Panahon ng saya,
Ng panibagong pag asa
At matamis na simulaKagaya nito ang pag asa
Ng ating pag iisa
Walang ikaw at walang ako
Ito na nga ang matamis na simula
Ng salitang "tayo"II Tag-ulan
Panahon ng lungkot
Ng walang humpay na problema at poot
Panahon din ng pagpatak ng luha
Maaaring ng langit o ng aking mga mataAnumang tamis ng ating pagsasama
Hindi maiiwasan ang mga problema
Ika'y saakin nawalan ng tiwala
Nasasakal na ako at nagnanais na lumayaHindi sa 'yong mahigpit na bisig
Ngunit sa matinding sakit
Sa mabibigat na mga problema
Pati na rin sa pagluhaNgunit gaano man kalakas ang bugso ng ulan
Ito ri'y titila, at maghahandog ng panibagong pag asang inaasahan
Kaya sabi ko kapit lang, lilipas din ito
Magkahawak ang kamay, kakayanin natin 'toIII Taglamig
Panahon ng pagyelo
Ngunit panahon din ng pagsuko
Kung saan lamig ay titiisin
Gaano man kahirap, siguradong ika'y di susuko at ito'y pipilitinSa paglamig ng 'yong pakikitungo
Nagsimula na akong sukuan ang "tayo"
Pero dahil mahal kita, kakayanin ko
Hinding hindi ako susukoMasakit na mabalewala
Lalo na ng isang taong mahalaga
Pero dahil nga mahal kita
Susubukan ko paDahil ano nga ba ang lamig na 'to sa mapagsamahan
Wala itong laban sa ating napagdaanan
Kaya kahit ano pang ilamig ng iyong pakikitungo
Walang sukuan, mahal koIV Taglagas
Panahon ng pagbitaw sa mga bagay
Mga bagay, na nawalan na ng saysay
Panahon ng pagtanggap sa katotohanan
Na ikaw at ako ay di pangwalang hangganAkala ko, kakayanin ang yelo
At ang lamig ng pakikitungo mo
Akala ko, lilipas din ang ulan
Akala ko, tayo'y makakalabanNgayon, nagising na sa katotohanan
Katotohanang ang ating pagmamahalan ay may hangganan
Masakit at mahirap tanggapin
Pero kakayanin
Dahil aanhin pa ang pagkapit,
Kung ang 'yong pinaglalaban ay matagal nang lumisanNgunit, huwag mong kalimutan
Na kahit gaano kasakit ang 'yong paglisan
Ako'y maghihintay na babalik ka
Dahil mahal ko, nangako ka.mgrg 071716;10:44
BINABASA MO ANG
Damned Poems
PoesíaWritten under the influence of broken hearts and promises. When the dawn is to come, that's when my poetry becomes war. A war between a broken heart and a fighting one. Damn, never have I thought it would be this hard.