UGNAYAN

35 0 0
                                    

UGNAYAN

Kahit saan man akong abutin sa parte ng mundo
Pag alam kong nakarating ka na rito
Aasa ako
Hahanapin kita
At kahit na mabigo
Mag iiwan ako ng marka
Maghahanap ako ng maaring mag ugnay sa ating dalawa
Maging ito ay ang sahig na minsa'y iyong nilakaran
And daan na minsa'y iyong tinahak
Maghahanap ako
Dahil dito na lang ako kumukuha ng maaaring mag ugnay sa ating dalawa
Dahil ang dating "tayo" na nag-isa sa atin
Ngayon ay durog

Naging "ikaw at ako"
Ikaw na masaya
At ako na kumakapit
Ikaw na nakausad na
Ako na hindi parin makagalaw
Ikaw na nakawala na
Ako na nakatali pa rin sa alaala

Kanina,
Nakita kita
Pinukaw mo ang mga mata
At nasa magkabilang dulo tayo
Pero ako,
Ako ay nakatitig sayo

mgrg092416;9:51

Damned PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon