PAGTATANGHAL
Tingin sa kaliwa
Sa mga maling nagawa.
Gitna ang siyang pinanggalingan ng tingin
Gitna ng kanan at kaliwa
Pagitan ng nakaraan at isang panibagong simula
Hindi ba’t sa gitna tayo nagsimula
Tingin sa kaliwa
sa mga maling nagawa.
Isang sulyap sa kaliwa
At hindi maikakaila
Na pinukaw niya ang iyong mata
Isang hakbang papalapit
Isang higpit sa pagkapit
Sa iyong kamay na gusto nang kumawala
Sa’yo na gusto ng lumaya
Tingin sa kaliwa
Sa mga maling nagawa
Palayo ng palayo sa akin
Palapit ng palapit sakanya
Palayo sa aking nagmamakaawang tinig
Pakiusap, huwag siya.
Palapit sa kanyang nakaaakit na ganda
At palayo sa taong minamahal ka
Palapit ng palapit sa inyong simula
Palapit ng palapit sa di inaasahang wakas nating dalawa
Hindi ako tanga,
Alam kong may iba ka na.
Kaya tingin sa kaliwa
Sa mga maling nagawa
Sa mga oras na sinabi mo sa aking mahal kita
Habang nasa isip ang kanyang mukha
Sa mga araw na iniwan akong mag-isa
Habang nilalasap ang mga oras na kasama siya
Siya na higit sa akin
Siya na iyong pipiliin
Alam ko! Ako ang una
At tayo ang tama
Ako ang kanan na siya’ng kabligtaran kaliwa
Ako na una kang minahal
Ako na una mong minahal
Isa lamang palang makabuluhang pagtatanghal
Dahil sa mga panahong hinihintay kita
Walang kamalay malay na kayo na palang dalawa
Kayong dalawa
Na siyang nagtagpo sa kaliwa
Isinulat ng tadhana
Sa ilalim ng hanay ng mali
Ikaw mahal
Na siyang sumulyap sa kaliwa
Ikaw na tinahak ang daan pakaliwa
Ikaw na pinili siya
Siya na pumukaw
sa iyong mata
Siya na di kayang tumbasan
O di kaya’y aking higitan
Siya na kaliwa
Siya na inagaw ka
At Ikaw na pinili siya
Kayo na sakin ay sumira
Kaya tingin sa kaliwa
Sa mga maling nagawa
Sa iyo, na sa tayo ay sumira
Tapos na ang ‘yong pagtatanghal
Kaya mahal,
Tumalikod ka na
Pinapalaya na kita.
mgrg031517;1:11
BINABASA MO ANG
Damned Poems
PoetryWritten under the influence of broken hearts and promises. When the dawn is to come, that's when my poetry becomes war. A war between a broken heart and a fighting one. Damn, never have I thought it would be this hard.