A reply poem to Maimai Cantillano's Kapag Nakita Mo Na Siya.
I guess you would feel it more once you heard or read Maimai's poem.
mgrg
_______________________________________
NOONG NAKITA NA KITA
Noong nakita na kita
Hindi ko makakaila ang inis na nadama
Hiindi ako sanay sa titig mong nakatataas balahibo
Kaya nung nakita na kita,
Nagpasya akong tumakbo.
Papalayo sa'yo at sayong mga titig na nakatutunaw
Na para bang hinahatak ako, patungo sayo
Ngunit hindi, hindi ko na kailangan ng iba
Ng isang katulad mong dala lamang ay sakit
Na magiiwan ng luha sa mata
Ng sugat sa puso
At marka ng isa nanamang pagkakataong ako'y nagpaloko at nagpakatanga.
Hindi ko na kailangan ng iba.Ito ang tinuro sa akin ng buhay at pag-ibig
Ang angkinin ang lahat ng sakit at saluhin ang kahit anumang ibato sa akin.
Ang masanay sa sakit hanggang sa puntong masanay at maging manhid sa mga emosyong tanging dala ay pagkasira.Hindi mo alam, pero noong nakita na kita
Hindi na ako naniniwala sa paghiling sa mga bulalakaw. Hindi na ako namamangha sa mahika ng buwan at ng mga bituin o anumang pwersa ng uniberso na maring magtulak sakin papalapit sa'yo. Hindi na ako naniniwala sa anumang salita na nilikha ng pag ibig.
Hindi na ako naniniwala sa pag ibig.Kaya noong nakita na kita,
Hindi ko na alam ang pakiramdam ng magmahal at mahalin, ng arugain at tanggapin.Kaya noong nakita na kita, at nakita mo na ako.
Nang ang mga mata ay nagtagpo.
Nang ako ay tumakbo papalayo,
Akala ko ikaw na'y susuko.
Ngunit pinaalala mo sa akin kung gaano ako kaganda
Na kahit sa paggising ko sa umaga o sa paglubog ng araw upang magbigay daan sa liwanag ng buwan
Ang ganda ko ay walang katulad
At hindi maihahahlintulad sa kahit anuman.
Walang tigil mong sinasabi sa akin ang mga salitang mahal kita
Hindi mo ba nakikita
Walang magandang alaala ang naiisip sa pagbigkas mo ng mahal kita.
Mahal kita.
Tumigil ka.
Mahal kita.
Ayokong marinig ang mga salitang iyan
Mahal kita.
Hindi mo ba nakikita na pait lang ang naaalala.
Mahal kita. Mahal kita. Mahal kita.
Doon ko naunawaan na sa likod ng bawat pait ay may tamis.
Na minsan nang pinatalon ang puso ko ng mga salitang mahal kita.
Na minsan ng tumigil sa pag ikot ang mundo nang marinig ang mahal kita.Masasakit ang mga kutsilyong lumalabas sa aking dila
Ngunit ginantihan mo ito ng mga yakap
At kahit anong pagpupumiglas ang gawin
Yakap mo lang ay lalong humihigpit.
Kahit gaano pa kalayo ang takbuhin
Ako'y iyong hahhabulin at hahahtakin pabalik sa iyong mga bisig.
At kahit ilang ulit akong bumitaw, paulit ulit mo pa rin akong binabalikan at hindi pinagsasawaan.Heto ang aking puso, heto ang aking pagkatao na pinaalalahanan mo na kaya ko pang maniwala sa paghiling sa bulalakaw kahit ilang ulit na pinapangaralan ng buhay na sila ay mga bato na lamang, na katulad ko ay pinagsawaan na ng kalawakan at hinayaan mahulog sa kalupaan. Pinaalala mo sa akin na minsan na akong namangha sa mahika ng buwan at ng mga bituin kahit alam kong darating ang gabi kung saan sila ay di magpapakita at hindi ako bibigyan ng pag asa ng isang hiling sa mga bituin. Pinaalala mo sa akin ito kahit ang turo sa akin na nawawala sila dahil kagaya ko ay hindi sila sapat upang magbigay liwanag sa gabi at magbigay pag asa at katuparan sa aking mga hiling.
Pinaaalala mo na minsan na akong naniwala sa mga salitang nilikha ng pag ibig. Mga salitang Mahal kita at hindi kita iiwan, mga pangako ng magpakailanman, mga hiling ng walang hanggan. Kahit ang aking nakabihasanan na ang mga salitang ito ay walang ibang dala kundi sakit at hinagpis na iiwan akong tumatangis. Minsan na pala akong naniwala sa pag-ibig.Kaya nung nakita kita sa pagkakataong alam kong wala kang ibang hiling kundi na pasayahin ako, napaisip ako.
Ito na nga ba ang bagong mukha ng pag ibig
Ito na nga ba ang bagong pag ibig.
Ikaw na nga ba ang pag ibig
Ikaw na ba ang bagong iibigin.mgrg010416
_______________________________________
BINABASA MO ANG
Damned Poems
PoëzieWritten under the influence of broken hearts and promises. When the dawn is to come, that's when my poetry becomes war. A war between a broken heart and a fighting one. Damn, never have I thought it would be this hard.